Pangulong Marcos, nanawagan ng tigil-putukan sa Gitnang Silangan; nagpaalala sa publiko na magtipid sa enerhiya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,056 total reads

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng agarang tigil-putukan sa umiiral na krisis sa Gitnang Silangan.

Hinimok din ng Pangulo ang lahat ng partido na magpakita ng pag-iingat at panalangin na agad na matapos ang labanan.

“Let’s hope that there’s a ceasefire. And we, the Philippines, ask all parties to show restraint and to bring this to a close as quickly as possible,” ayon kay Pangulo Marcos.

“Of course, we want the fighting to stop. We are only involved tangentially… because of our people who are there [in the Middle East],” dagdag pa niya.

Tiniyak din ni Marcos ang suporta ng Pilipinas sa mga bansang apektado at ang patuloy na paghingi ng tulong para sa kaligtasan ng ating mga kababayan.

“We have expressed support for the countries that have come under attack. We have made our feelings known that we hope that this crisis ends as quickly as possible. And we are asking for the continued assistance for the safety of our people,” ani Marcos.

Pagtitipid sa Enerhiya, Paalala sa Publiko

Dulot ng inaasahang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa digmaan, hinimok ni Marcos ang publiko, lalo na ang mga tanggapan ng pamahalaan, na magtipid sa paggamit ng lahat ng uri ng enerhiya.

“That applies to, panawagan ko na rin ito sa taong bayan, maghanap tayo ng paraan upang mapabawasan ang ating paggamit ng lahat ng mga sources of energy natin. Ito ay hindi pa, kagaya ng sabi ko, sapat naman ang supply natin, ngunit baka sakali ito ay kakailanganin nating gawin ito upang mabawasan nga ang pagbayad dahil tataas na ang presyo. At hindi lamang sana sa government offices, but we have issued a directive to all the government offices to find ways,” anang Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na sa kasalukuyan ay may sapat pang suplay ang Pilipinas na maaaring tumagal ng 50–60 araw, habang ang kasalukuyang presyo ng langis ay nasa $76.50 kada bariles.

Ayon pa sa Pangulo, “First of all, let me assure everyone that we have sufficient supply of oil. Mayroon tayong stockpile that are approximately 50 to 60 days in terms of gasoline, in terms of fuel oil, and in terms of kerosene.”

Una na ring inihayag ng pamahalaan na agad ipatupad ang fuel subsidy program sakaling umabot sa $80 kada bariles ang presyo ng krudo sa world market.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hawak na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang P2.5 bilyong pondo para sa subsidiya ng mga nasa sektor ng pampublikong transportasyon. Bukod sa mga tsuper at operator, may nakalaan ding tig-P25 milyon ang Department of Agriculture at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para sa subsidiya ng mga magsasaka at mangingisda na apektado ng mataas na presyo sa krudo.

Layunin ng hakbang na maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa kabuhayan at sa mga pangunahing bilihin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 9,870 total reads

 9,870 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 238,225 total reads

 238,225 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 131,691 total reads

 131,691 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 225,720 total reads

 225,720 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 269,569 total reads

 269,569 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top