Kristiyano at Muslim, nagkaisa sa pananalangin para sa Kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,033 total reads

Nagkaisa ang mga lider at miyembro ng komunidad ng Kristiyano at Muslim sa Lahore, Pakistan sa isang interreligious gathering upang ipanalangin ang agarang pagtigil ng karahasan sa hangganan ng Pakistan at Afghanistan.

Isinagawa ang pagtitipon sa Peace Center sa Lahore, malapit sa makasaysayang Badshahi Mosque, kung saan nagsama ang dalawang pananampalataya sa gitna ng panahon ng Kuwaresma at Ramadan—kapwa panahon ng pag-aayuno, panalangin, at kawanggawa.

Pinangunahan ang pagtitipon nina Fr. Qaisar Feroz OFM Cap., Executive Secretary of the Social Communications Commission of the Catholic Bishops’ Conference of Pakistan, at Sister Azmat, Superior of the Carmelite Apostolic Sisters.

“The extremist violence of the Taliban is a destructive ideology. A joint commitment from believers is needed to stop and transform it,” saad ni Fr. Feroz.

Ayon kay Fr. Asif Sardar, Vicar General of the Archdiocese of Lahore, layunin ng pagtitipon na maging malinaw na simbolo ng pagkakaisa at kapayapaan sa kabila ng umiiral na tensyon at labanan sa border.

Iginiit nila na mahalagang pagtibayin ang ugnayan ng dalawang relihiyon at ipakita na ang pananampalataya ay maaaring magsilbing tulay, hindi pader ng pagkakahati.

Kasabay ng panalangin, nagsagawa rin ng candlelight vigil at Stations of the Cross ang komunidad ng simbahang Katolika bilang panawagan sa tigil-putukan at mas pinaigting na dayalogo sa pagitan ng dalawang bansa.

Mariing kinondena ng mga lider-relihiyoso ang patuloy na karahasan at nanawagan sa pandaigdigang komunidad na tumulong upang mawakasan ang kaguluhan.

Binigyang-diin nila na ang kapayapaan ay dapat maging sama-samang layunin ng sangkatauhan, anuman ang relihiyon at lahi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 54,189 total reads

 54,189 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 133,627 total reads

 133,627 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 167,072 total reads

 167,072 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 202,370 total reads

 202,370 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 426,730 total reads

 426,730 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,523 total reads

 16,523 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top