Corruption, hindi masusugpo kung walang Whistleblower Protection Act

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 611 total reads

Pinakikilos ng chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity ang Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado para isabatas ang “Whistleblower Protection Act”.

Ikinabahala ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo,chairman ng komisyon ang hatol na guilty kay NBN-ZTE deal whistleblower Jun Lozada sa kasong graft and corruption.

Dismayado si Bishop Pabillo dahil sa kabila ng expose ni Lozada sa multi-milyong pisong katiwalian na kinasasangkutan ng Pangulong Arroyo ay siya ang nahatulang nagkasala sa batas.

Iginiit ng Obispo na napapanahon ng bigyan ng malaking proteksiyon ang mga whistleblower upang mas marami pa ang lumantad at isapubliko ang mga katiwalian sa gobyerno.

“Walang protection ang nagbubulgar ng mga anomalies kaya dapat mabigyan ng protection kung gusto talagang kalabanin ang corruption. Dapat talagang may pananagutan kasi nakita na nga nating kinansel yung transaction, ibig sabihin talaga may mali nga dun, pero walang pananagutan, walang may kasalanan,”pahayag ng Obispo sa Radio Veritas.

Tinukoy ni Bishop Pabillo ang kabiguan ng administrasyong Aquino na kasuhan ang mga tinukoy ni Lozada na sangkot sa NBN-ZTE deal.

Inihayag ng Obispo na nawalang saysay ang expose ni Lozada na pumigil sa multi-milyong pisong transaction.

Duda si Bishop Pabillo sa timing ng naging hatol kay Lozada na magdudulot ng masamang halimbawa at babala sa mga gustong isiwalat ang mga katiwalian sa pamahalaan.

Umaasa ang Obispo na maging matatag si Lozada at hindi mawala ang suporta sa kanya ng mamamayan dahil sa kanyang nagawang kabutihan.

Kaugnay nito, hinimok ni Bishop Pabillo ang hudikatura na itaas ang antas ng hustisya at huwag yumuko sa mga may kapangyarihan sa pamahalaan.

Hinatulang guilty sa kasong graft and corruption ng Sandiganbayan si Lozada matapos payagan bilang pangulo ng Philforest ang leasehold right sa 6.59 hektaryang lupa noong taong 2009.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 110,398 total reads

 110,398 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 186,681 total reads

 186,681 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 220,129 total reads

 220,129 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 255,429 total reads

 255,429 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 477,608 total reads

 477,608 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 95,818 total reads

 95,818 total reads Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 73,367 total reads

 73,367 total reads Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 111,850 total reads

 111,850 total reads Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top