Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paggamit ng pera mula sugal, pagnanakaw sa moralidad ng maralita

SHARE THE TRUTH

 283 total views

Pinapurihan ng isang Arsobispo si Department of Education Secretary Leonor Briones ng tanggihan ang pondong ibibigay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR.

Ayon kay dating CBCP – President at retired Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, kahanga – hanga ang paninindigan ng kalihim na kailanman ay hindi dapat gamitin ang pera mula sa sugal para sa pagpopondo ng mga proyekto ng DepEd.

“The end does not justify the means. Ako ay sang – ayon diyan na nakakahiya na ang itutulong pa naman sa mga kabataan higit sa what is right and wrong, maliban lang sa bumasa at sumulat ay manggagaling pa sa sugal. Okay yun na marami pang pwedeng pagkunan ng pera na hindi sa PAGCOR nanggaling,” pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Tinutulan rin ng Anti – gambling advocate ang ganitong pamamaraan ng pamahalaan na inilalaan ang kinita mula sa halos 40 pasugalan sa bansa sa mga proyekto ng gobyerno.

Nakikita ni Arcbihshop Cruz na ito ay uri ng pagnanakaw sa moralidad ng mga maralita.

“Naku salamat sa Diyos, para naman yung edukasyon ay maging edukasyon ng kung ano ang tama at mali. You know the end does not justify the means. Sunod na ako ay magnanakaw sa iba para ibigay ko sa maralita mali yun. Baka ano ako nun Robinhood, hindi tama yung gawain ni Robinhood na yun na pinapalakpakan natin. Nanakawan niya yung iba tapos ibigay niya sa mahirap, no, no,” giit pa ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.

Naunang binanngit ni PAGCOR chairman Andrea Domingo sa pagdinig ng House Committee on Appropriations na tinanggihan ni Briones ang P12 bilyong pondo na kanilang inilaan para sa pagpapatayo ng mga bagong silid – aralan.

Nanindigan si Briones na tumaas naman ng 31-porsiyento ang pondo ng DepEd sa susunod na taon na may kabuuang P567 bilyon.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 10,901 total views

 10,901 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 44,352 total views

 44,352 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 64,969 total views

 64,969 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 76,391 total views

 76,391 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 97,224 total views

 97,224 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 37,656 total views

 37,656 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 36,703 total views

 36,703 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 36,833 total views

 36,833 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 36,812 total views

 36,812 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top