Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Status quo ante ng Korte Suprema sa Marcos burial, kinatigan ng CHR

SHARE THE TRUTH

 228 total views

Naaangkop na dinggin ng Korte Suprema ang mga petisyon na inihain ng iba’t ibang grupo laban sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ito ang paninindigan ng Commission on Human Rights sa inilabas na 20-araw na “status quo ante order” ng Korte Suprema sa nakatakdang paghihimlay sa dating Pangulo.

Ayon kay CHR chairperson Jose Luis Martin Gascon, sensitibo ang usapin dahil marami ang naging biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng Martial Law sa ilalim ng rehimeng Marcos na kailangang ikonsedera.

“Malugod naming tinatanggap itong desisyon ng Korte Suprema na mag-issue muna ng Status Quo Ante habang dinidinig yung iba-ibang mga petisyon patugkol sa usapin ng paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.Ang isyu po ay kung ano yung mensaheng ibinibigay natin kung ililibing siya sa Libingan ng mga Bayani. Meron tayong daan libong human rights victims,”pahayag ni Gascon sa Radio Veritas.

Nabatid sa record na sa ilalim ng Martial Law, mahigit sa 3,200-katao ang sinasabing pinaslang, 34-na-libo ang na-torture habang higit sa 70-libo naman ang ikinulong dahil sa hindi pag-sangayon sa patakaran ng administrasyong Marcos.

Bukod dito, higit 75-libong indibidwal rin ang lumapit sa Human Rights Claims Board na biktima ng iba’t-ibang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Batas Militar.

Sa kasalukuyan, nakahimlay sa 103-ektaryang Libingan ng mga Bayani ang may 49-na-libong sundalo, war veterans at mga itinuturing na martir at bayani ng bansa.

Naunang nanindigan si CBCP Episcopal Commission on the Laity chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na hindi tamang bigyang parangal at ituring na bayani ang dating Pangulong Marcos dahil sa napakaraming paglabag sa karapatang pantao at pangungurakot sa multi-bilyong pisong pera ng bayan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,666 total views

 69,666 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,441 total views

 77,441 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,621 total views

 85,621 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 101,233 total views

 101,233 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 105,176 total views

 105,176 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 89,555 total views

 89,555 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 86,125 total views

 86,125 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 32,784 total views

 32,784 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 32,795 total views

 32,795 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 32,799 total views

 32,799 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top