Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Illegal recruitment, gawing heinous crime

SHARE THE TRUTH

 247 total views

Ito ang panawagan ng CBCP – Episcopal Commission on Pastoral Care for Migrant and Itinerant People sa pinaigting na kampanya ng Duterte administration katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) laban sa illegal recruitment.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, kailangang kilalanin ang human trafficking at illegal recruitment bilang heinous crime na sinumang gagawa nito ay mapaparusahan ng panghabang – buhay na pagkakabilanggo at confiscation ng kanilang ari –arian na ipangtutulong sa kanilang mga nabiktima.

“Talagang ang ating kampanya kung saan ay ituro, isumbong ang mga illegal recruiters na kung saan hindi lamang isumbong, ituro kundi hulihin at panagutin. At ang atin ngang isinusulong ay isama ang human trafficking at illegal recruitment sa mga heinous crime na ang parusa ay life imprisonment, reclusion perpetua without parol. Tsaka confiscation of property na kung saan yung properties ay naitutulong sa kanilang mga naging biktima,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Layunin rin ni Bishop Santos na ipalaganap ang “awareness” ng mga tao ukol sa illegal recruiters kasabay ng pagbibigay ng pabuyang P50,000 cash reward ng DOLE sa mga concerned citizen na magsusumbong tungkol sa nagaganap na illegal recruitment na hahantong sa pagkakadakip sa mga illegal recruiter.

“Palakasin ang awareness ng mga tao at huwag silang sasama, sasali at magpapaloko sa mga illegal recruitment. Maganda na merong premyo o pabuya pero kahit walang pabuya dapat awareness na natin at ating lamang programa na hulihin, hanapin pananagutin at parusahan ng mabigat,” giit pa ni Bishop Santos sa Veritas Patrol.

Nabatid na batay sa 2013 Commission for Filipino Overseas (CFO) Compendium of Statistics, tinatayang 1.34 na milyon ang undocumented Filipino migrant workers o biktima ng illegal recruiters. Habang naitala naman noong 2012 ng Philippine Overseas Employment o POEA ng 152 kaso ng illegal recruitment na kinabibilangan na 312 biktima na nagsampa ng kaso.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 104,460 total views

 104,460 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 112,235 total views

 112,235 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 120,415 total views

 120,415 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 135,447 total views

 135,447 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 139,390 total views

 139,390 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 90,314 total views

 90,314 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 86,451 total views

 86,451 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 33,063 total views

 33,063 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 33,074 total views

 33,074 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 33,078 total views

 33,078 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top