59,522 total views
Saan mang panig ng mundo, hinahangaan tayong mga Pilipino lalu na ang mga Filipino Migrant workers o mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Sinasaluduhan ang mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat dahil sa ibinibigay na totoong “culture of service”. Mismong si International Labor Organization (ILO) assistant Director General Manuela Tomei ang pumuri sa sipag at dedikasyon ng mga manggagawang Pilipino sa trabaho. Para kay Tomei, ang culture of service ng mga Pilipino ay hindi pa niya nakikita sa mga bansang kanyang napuntahan at nabisita.
Masarap pakinggan, nakakataas noo ang pagkilalang ibinigay sa ating mga manggagawang Pilipino Kapanalig.
Nakakalungkot lang Kapanalig na sa kabila ng hindi matatawarang “culture of service”, laganap pa rin sa alinmang panig ng mundo ang iba’t-ibang pang-aabuso at harassment sa ating mga OFW. Ang pagdami din ng mga OFW ay indikasyon ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas, kung meron man…maliit lang ang sahod.. Ang kawalan ng job opportunies sa Pilipinas ay kakulangan ng ating mga opisyal ng gobyerno.
Sa datos ng Philippine Statistic Authority (PSA), umaabot sa 2.47-milyon ang registered OFW na nagta-trabaho sa iba’t-ibang panig ng mundo. Sa nasabing bilang 56-porsiyento dito ay mga babae.
Ang mga OFW ay tinagurian na “modern day heroes”na nakapag-contribute ng 9.41-percent sa Gross Domestic Product dahil sa kanilang ipinapadalang remittances sa mga pamilya sa Pilipinas.
Kapanalig, noong 2019, kinilala at pinasasalamatan ni Pope Francis ang mga Filipino Migrant Workers, tinawag ni Lolo Kiko ang mga OFW na “smugglers of faith”.Pinaalalahanan ni Pope Francis ang mga OFW sa kanilang special mission na pagpapalaganap ng pananampalatayang Katoliko.
Hinihimok ni Pope Francis ang mga OFW “ I encourage you to increase opportunities for meeting to share your cultural and spiritual wealth, while at the same time allowing yourselves to be enriched by the experiences of others,”
Kapanalig, ito ang mga problemang kinakaharap ng mga OFW na dapat tugunan ng pamahalaan…contract switching o hindi pagkilala sa working contract….mataas na singil sa placement fee sa mga applicant…illegal recruitment…kabiguan ng mga OFW na magkapag-save ng pera…pang—aabuso ng mga employer…broken families…naluging negosyo…kawalan ng tulong mula sa consular at embassy officials…kabiguan ng mga kaibigan na magbayad ng utang…mababang halaga ng piso…madaling maloko online…extra-marital relationships…hindi nakapagtapos ang mga anak sa pag-aaral…naiipit sa kaluguhan at mga natural disasters…nakukulong ng walang kasalanan…mass lay-off kapag mayroong economic turmoil sa bansang pinapasukan…nakakaranas ng pang-abuso sa pag-uwi sa Pilipinas…nag-iisa…problema sa ipinapadalang balikbayan boxes.
Sumainyo ang Katotohanan.