Spiritual renewal at pagbabalik-loob sa panginoon, isakatuparan ngayong Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,254 total reads

Inaanyayahan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang mananampalataya na samantalahin ang panahon ng Kuwaresma para sa pagkakaroon ng spiritual renewal at pagbabalik-loob sa Panginoon.
Ayon sa Arsobispo na siya ring chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Youth, nararapat na samantalahin ng bawat isa ang 40 araw ng Kuwaresma upang magbago, makipagkasundo, magbahagi, at mangalaga ng kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan upang mapadalisay ang sarili mula sa kasalanan at kasamaan.

Paliwanag ni Archbishop Alarcon, ang panahon ng Kuwaresma ay isang paghahanda para sa pag-alala sa pambihirapang pagsasakripisyo, pagpapakasakit, pagkamatay sa krus at muling pagkabuhay ni Hesus upang isakatuparan ang pangakong kaligtasan ng Panginoon para sa sangkatauhan.

“Let us take the opportunity of this 40-days of Lent to renew, to reconcile, to share, and to care, to purify ourselves of sin and evil. The blood of Jesus washes away our sins and allows us to rise to new life, the cross of Jesus is a supreme solidarity with our human situation, there in the apparent defeat of our Lord in the cross show the glory of the Father, His unfailing love and mercy thus Lent does not end in darkness and death but leads us to Easter, the resurrection of our Lord repent and believe the Gospel.” Bahagi ng mensahe ni Archbishop Alarcon.
Pagbabahagi ng Arsobispo, ang panahon ng Kuwaresma ay isa ring pagkakataon upang ganap na maipamalas ang pagmamahal sa Panginoon at maging sa kapwa sa pamamagitan ng taimtim na pagnanalangin at pagninilay, pag-aayuno, pagkakawang gawa, pagwawaksi ng pagiging makasarili at pagsunod ng tapat sa Panginoon.

Nawa ayon kay Archbishop Alarcon ay ganap na maunawaan ng bawat isa ang halaga ng pagpapakasakit ng Panginoong Hesus para sa kaligtasan ng sanlibutan.

“Lent is once again a call to prayer, fasting, alms giving, and works of charity. This requires us to die unto ourselves to give life to others so that in the end we may find a new life in Christ. During these days of Lent may we find joy in humility, freedom in reconciliation, strength in sacrifices self-denials, grace in repentance, virtue in trials, hope is part set-backs and divine assurance is part of our faithfulness.” Dagdag pa ni Archbishop Alarcon.

Matatandaang una ng binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pag-aayuno, pagdarasal at pagtulong sa mga nangangailangan bilang tatlong mahalagang panuntunan na dapat na sundin ng bawat isa para sa makabuluhang paggunita ng panahon ng Kuwaresma.

Ang Kuwaresma ay ang apat na pung araw na paghahanda ng Simbahan sa pagggunita ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoon ni Hesus matapos ang kanyang pagpapakasakit sa Krus para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 26,767 total reads

 26,767 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 63,831 total reads

 63,831 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 82,042 total reads

 82,042 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 166,370 total reads

 166,370 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 202,514 total reads

 202,514 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,759 total reads

 37,759 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top