54,766 total views
Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate.
Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon na pamilyang Pilipino ang dumanas ng involuntary hunger. Tumaas ito sa hunger rate na 12.6-percent noong December 2023.Ibig sabihin ng involuntary hunger ay wala silang makain dahil walang pambili at walang access o walang mapagbilhan.
Nakakalungkot at nakakabahala ang katotohanang ito Kapanalig, 3.5-milyon ng pamilyang Pilipino ang nagugutom ngayong taong 2024… Pero ang nakakapanlumo ay pagbabahagi ni Agriculture secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na 3.6-bilyong piso na halaga ng bigas(rice) ang nasasayang o tinatapon lamang sa basurahan kada taon.
Tinukoy ng kalihim ang pag-aaral na isinagawa ng Department of Science and Technology Food and Nutrition Research Institute na siyam na gramo (nine grams) ng bigas ang sinasayang ng bawat Pilipino kada araw.
Kapanalig, nabatid sa pag-aaral ng DOST-FNRI na 255, 000 metric tons o tonelada ng bigas ang natatapon at nasasayang nating mga Pilipino kada taon. Sinabi ng D-A na ang kabuuang pangangailangan ng mahigit sa 100-milyong Pilipino kada araw ay 37,000 metric tons ng bigas.
Sinabi ng Department of Agriculture na 1.6-bilyong piso sana ang magiging savings kada taon kung magagawa ng pamahalaan na kalahati ng 255,000 metriko-tonelada ng bigas ang nasasayang.
Nangyayari ang pagsasayang o “left-overs” na ito sa mga restaurants, hotels, canteens at eateries sa buong bansa…Uso kasi at patok ang “Unli-rice” promo.. Kapanalig, lagi nating isa-isip na ang bawat butil ng bigas ay napakahalaga.
Upang matugunan ang problema ng “culture of waste” nating mga Pilipino, isinusulong ang “half-cup of rice bill” sa kongreso..Kapaloob sa panukalang batas ang kautusan sa mga restaurants, hotels, canteen at eateries na half-cup of rice lamang ang isi-serve sa bawat costumers..Sayang naman ang “unli-rice” promo.
Kapanalig, may sense ba ang proposal ng Department of Agriculture para matugunan ang laganap na kagutuman sa bansa? Iginiit naman ng AGAP Partylist na ang kakulangan ng supply ng bigas sa bansa ay resulta ng Executive Order (EO) 62 na binigyan ng go-signal ang mga negosyante na mag-import ng unlimited na dami ng bigas na naging daan din upang hindi makontrol ang rice smuggling.
Pinuna din ng grupo ng mga magsasaka at mangingisda ang palpak na Rice Tariffication law na dapat magbibigay ng assistance para maging competitive ang mga magsasaka ngunit pinapaboran nito ang importasyon ng agricultural products na pumipilay sa sektor ng agrikultura.
Sa general audience ni Pope Francis sa paggunita ng World Environment Day, pinuna ng Santo Papa ang nangyayaring “culture of waste”, inihayag nito na “The human person is in danger today, hence the urgent need for human ecology! And the peril is grave, because the cause of the problem is not superficial but deeply rooted. It is not merely a question of economics but of ethics and anthropology. Nevertheless men and women are sacrificed to the idols of profit and consumption: it is the “culture of waste”.
Sumainyo ang Katotohanan.