Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CWL, Hinimok na payabungin ang pagbobokasyon

SHARE THE TRUTH

 324 total views

Ang pagkakaisa ng mga kababaihan ay magbubunga ng dakilang bagay.

Ito ang inihayag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Jr., sa launching mass para sa paglulunsad ng paghahanda sa ika-100 taon ng Catholic Women’s League o CWL sa taong 2019.

Naniniwala ang Obispo na sa pamamagitan ng pinagsama-samang lakas ng mga kababaihan ay magiging malakas itong impluwensya sa lipunan.

“Women in league with each other can accomplish many things that are either good or bad. In the case of the Catholic Women’s League, you are in League with each other for something very beautiful, so that you want to become indeed disciples of the Lord and Missionary Servants’ Disciples practicing Charity, Work and Loyalty.” bahagi ng Homiliya ni Bishop Bacani.

Hinikayat ni Bishop Bacani ang mga miyembro ng CWL na impluwensyahan ang kanilang asawa, mga anak, o mga apo upang maging mas mabuting kristiyano at tagapaglingkod ng simbahan.

Iginiit nito na sa pamamagitan ng ganitong impluwensiya ng CWL ay makapagdadala ang grupo ng mabuting pagbabago sa lipunan.

“You can help your husband, your sons, your grandchildren, become people who will also serve the Lord in the society that we live in and which is unfortunately is not the society that we all desire to have in our lifetime,” Bahagi ng homiliya ni Bishop Bacani.

Hinimok din ng Obispo ang mga miyembro ng CWL na tulungan ang simbahan upang madagdagan ang mga Pari, Relihiyoso at relihiyosa.

Pagbabahagi ng Obispo, maaaring magkaroon ang CWL ng mga espesyal na proyekto upang maging mabuting mga pari at madre ang mga nagtalaga ng kanilang sarili, lalo na ngayong ipinagdiriwang ng Simbahan ang Year of the Clergy and Consecrated Persons.

“Napakalaki ng magagawa ninyo sa pagdami ng mga kaparian at mga people in consecrated life… You can have special projects in order to help people become good Priests, to help other people consecrated to the Lord and live their Consecration in the Mission that they do for the Church and for our Society.” Dagdag pa ng Obispo.

Sa kabuuan mayroon nang mahigit sa 250,000 ang mga miyembro ng Catholic Women’s League.

Itinatag ito noong Oktubre taong 1919, kaya naman puspusan na ang paghahanda nito para sa ika-100 Anibersaryo ng kanilang Organisasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,410 total views

 42,410 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 79,891 total views

 79,891 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 111,886 total views

 111,886 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,628 total views

 156,628 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,574 total views

 179,574 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 6,843 total views

 6,843 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,456 total views

 17,456 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 215,210 total views

 215,210 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 159,056 total views

 159,056 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top