CWL, Nanindigan laban sa Death penalty at Reproductive health law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 520 total reads

Tiniyak ng Catholic Women’s League na mananatiling lingkod ng Simbahang Katolika ang kanilang hanay at nakasusunod sa mandato at pangaral ng Simbahan.

Ayon kay Dr. Rosa Rita Mariano, National President ng CWL, mas pinalalakas at pinatatag ang kanilang grupo upang maging katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon.

“We follow the mandate of the Church and we continue to become Servants of the Church.” bahagi ng pahayag ni Mariano sa Radio Veritas. Sa paglunsad ng Centennial Year ng grupo noog Sabado ika – 4 ng Agosto, inihayag nito ang mga programang makatutulong sa bawat mananampalataya.

Nakabatay ang year-long activities ng grupo sa salitang HOPE o Holiness, Outreach, Pastoral involvement at Empowerment.

Paliwanag ni Mariano na binibigyang pansin ng CWL ang pagpapakabanal sa mga kasapi at ng buong komunidad.

Ito’y sa pamamagitan ng programang tumutugon at inaabot ang mga nangangailangan sa lipunan, pakikibahagi sa misyon ng bawat parokya at pagpapalakas sa mga programang pangkalikasan sang-ayon sa ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si upang mapangalagaan ang karaniwang tahanan ng mamamayan.

Bukod ditto, nanindigan din ang CWL laban sa pagsasabatas ng Death penalty at Reproductive health Law na taliwas sa turo ng Simbahang Katolika tungkol sa kabanalan at pagpapahalaga sa dignidad ng buhay ng tao.

Dahil dito, may mga programa ang grupo na nagpapaliwanag sa natural family planning upang maibahagi ang wasto at sapat na kaalaman sa pagpaplano ng pamilya na hindi gumagamit ng contraceptives.

Giit ng pangulo ng CWL na kapag nalalaman ng mga mag-asawa ang tamang pagpaplano ay magiging ganap at matagumpay ang paglaban sa reproductive health law.

Samantala, Oktubre taong 1919 nang mabuo ang CWL sa pangunguna ni His Excellency Michael O’ Doherty upang mangangalaga sa espirituwal at moral na pamumuhay ng mga kabataan, kababaihan at mga young professional lalo na noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Sa kasalukuyan nasa 250 – libo na ang kasapi ng CWL sa buong Bansa sa 84 na mga Diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 36,081 total reads

 36,081 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 262,541 total reads

 262,541 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 156,008 total reads

 156,008 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 250,039 total reads

 250,039 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 292,554 total reads

 292,554 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top