Simbahan dapat modelo sa paggamit ng Wikang Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,456 total reads

Mahalaga ang papel ng Simbahang Katolika upang maisulong ang paggamit ng wikang Filipino sa Bansa.

Ito ang apela sa Simbahan ni Ginoong Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan at Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining kaugnay sa mahalagang papel ng Simbahan sa pagsusulong ng wikang pambansa partikular na ngayong buwan ng Wika.

Ayon kay Almario, ang Simbahan ang dapat na mismong maging modelo sa paggamit ng wikang Filipino sa halip na Ingles partikular na sa pagdiriwang ng Banal na Misa.

Apela ni Almario, naaangkop lamang na bukod sa mga Regional Language ay Filipino lamang ang dapat gamiting wika sa Banal na Misa sa halip na Ingles.

“Napakahalaga dapat na ang Simbahan mismo ay maging modelo sa paggamit ng wikang Filipino, ang akin ngang pansin sa ating Simbahan mas marami pa ring Ingles, sa misa lamang ay napapansin ko halimbawa sa mga Regions dapat sana ang maging role, okey gamitin mo ang Regional Language pero kung hindi available ang regional language dapat Filipino ang ginagamit sa halip na Ingles…” Apela ni Almario sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, tuwing buwan ng Agosto ay ginugunita ang Buwan ng Wika kung saan tema ngayong 2018 ang “Filipino: Wika ng Saliksik.”

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ang naturang tema upang kilalanin ang wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran.

Layon ng tema na maipalaganap ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ng karunungan partikular na sa agham at matematika.

Samantala, hinihikayat din ng Komisyon ang iba’t ibang Ahensya ng Pamahalaan at maging mga Pampribadong Ahensya na makiisa sa mga programang makapagpapataas ng kamalayang Pangwika at Sibiko upang ganap na mahikayat ang mamamayang Filipino na pahalagaan at gamitin ang Wikang Pambansa.

Batay sa datos ng National Statistics Office (NSO) sa 2000 Census of Population and Housing (CPH), mayroong tinatayang 150 Diyalekta at Lenggwahe sa Pilipinas kung saan pangunahing naitalang ginagamit sa mga tahanan ang Tagalog, na sinundan ng Bisaya, Ilocano, Hiligaynon at Ilonggo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 25,899 total reads

 25,899 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 57,171 total reads

 57,171 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 135,473 total reads

 135,473 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 229,699 total reads

 229,699 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 289,325 total reads

 289,325 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 21,660 total reads

 21,660 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top