Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dagdag kontribusyon sa SSS, hindi sapat para sustentuhan ang pension hike

SHARE THE TRUTH

 211 total views

Hindi pa rin sasapat ang pondo ng Social Security System (SSS) para maipagpatuloy ang operasyon nito at ang pagbibigay ng karagdagang pensyon sa mga retiradong miyembro nito.

Ito ang reaksyon ni Rev. Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs kaugnay sa nais ng ahensiya na dagdagan ng 1.5 porsiyento ang SSS contribution ng mga miyembro nito na mula 11% ay magiging 12.5% ito.

Ayon sa pari, sa halip na dagdag kontribusyon, kailangang ayusin ng ahensiya ang mga pinapasok nitong investments upang hindi malugi; magkaroon ng iba pang pagkukunan ng pondo at bawasan ang malalaking bonus at benepisyo ng mga opisyal at kawanin maging operations costs nito.

Dagdag ni Fr. Secillano, unti-unti dumarami ang bilang ng SSS pensioner kayat kailangan na matugunan ang pangangilangan ng mga ito.

“Well, alam nyo kahit mag-i-increase pa ang premium magkakaroon pa rin ng problema. Unang-una hindi naman din sasapat, magkano lang naman po ang i-iincrease nyan. Parang niluto mo sa sarili yan ang tawag natin don sa ating mga pensioner. Kaya tama po yung binabangit ninyo na dapat talaga ito ay magkaroon ka ng investment at tsaka magkaroon ka ng ibang pang source of fund kasi hindi mo pwede na ganon ganon lang.

kahit paigtingin pa po nila yung pag kokolekta po ng premium at I increase nyo pa ho yan e hindi po sasapat yan kasi tignan natin, dumadami po ang mag pepensyon dyan, hindi rin po sapat na sabihin na may namamatay din, hindi po yun. Kumabaga kinakailangan talaga na kumuha sila ng ibang source of funds, at I invest nila ng maayos yan, para talaga matugunan nila yung kanilang mga pangako at maging totoo ito para sa taong bayan.” pahayag ni Fr. Secillano sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, sa panayam ng Radio Veritas inihayag ni Dating Bayan Muna party list rep. Neri Colminares na kinakailangan munang may repormang magaganap sa tanggapan bago ipatupad ang pagdaragdag sa kontribusyon ng mga miyembro nito.

Ayon sa mambabatas, kailangang ayusin ng SSS ang kanilang mga pinapasok na investments upang hindi ito maging palpak, bawasan ang kanilang operating costs, at bawasan ang malalaking bonus ng mga opisyal at kawani ng ahensiya.

“Kung hindi pa makakalikom ng pondo ang SSS sa mga repormang ito, saka sila makipag-ugnayan sa mga mambabatas para irekomenda ang pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro nito upang masustentuhan ang SSS pension hike ng mga retiradong miyembro.” pahayag ni Colminares.

Sa record, nasa 11.5 milyon ang miyembro ng SSS habang nasa 2.5 milyon ang pensioners.

Ngayong buwan, magsisimula ang P1,000 karagdagang pensyon habang ang natitirang P1,000 ay posibleng maibigay pa sa taong 2022.

Sa social doctrine of the church, kinakailangan na ang estado ay gumagawa ng mga programa na ang nakararami ang nakikinabang gaya ng mahihirap na sila rin namang pangunahing nagbibigay kita sa mga negosyo dahil sila ang pinakamalaking bilang ng mga manggagawa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 15,571 total views

 15,571 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 29,531 total views

 29,531 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 46,683 total views

 46,683 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 96,923 total views

 96,922 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 112,844 total views

 112,844 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 68,020 total views

 68,020 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 93,835 total views

 93,835 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 133,430 total views

 133,430 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top