544 total views
Magsasagawa ng Daily Reflection sa pamamagitan ng online ang Global Catholic Climate Movement o GCCM-Pilipinas upang ipaliwanag ang nilalaman ng bawat kabanata ng Ensiklikal ng Kanyang Kabanalan Francisco na Fratelli Tutti.
Ito’y bahagi pa rin ng pagdiriwang sa panahon ng Adbyento ngayong taon na may temang “In the Midst of Climate Emergency, Creation Awaits in Hope”.
Magbabahagi ng pagninilay ang iba’t ibang pinuno ng Simbahan at Theologians mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Ito’y sina Sr. Mary John Mananzan, OSB, Chairman Emeritus ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines at Vice President for External Affairs ng St. Scholastica’s College sa Maynila; Fr. Rey Raluto, SJVTS, Academic Dean ng St. John Vianney Theological Seminary sa Cagayan de Oro; Fr. Danny Pilario, CM, Dean ng Saint Vincent School of Theology sa Quezon City; at Fr. Albert Alejo, SJ, isang paring Heswita at kilala rin bilang Paring Bert.
Magbibigay rin ng pagninilay sina San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza; Capiz Archbishop Jose Cardinal Advincula; Cagayan de Oro Archbishop Emeritus Antonio Ledesma; at Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc.
Inaanyayahan din ng grupo ang lahat na makiisa sa webinar na ihahatid sa atin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David upang suriin ang nilalaman ng Fratelli Tutti.
Matutunghayan ang webinar, bukas, ganap na alas-9 hanggang alas-11 ng umaga at Daily Reflection simula ika-16 hanggang ika-23 ng Disyembre, ganap na alas-8 ng umaga sa facebook page ng GCCM-Pilipinas at partner organizations.
Sang-ayon sa pahayag ng Santo Papa, ang mundo ngayon ay nahaharap sa isang Climate Emergency kaya naman marapat lamang na magsama-sama at magtulungan ang lahat ng tao upang isalba ang ating tirahan.