Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 6,938 total views

Homiliya para sa Unang Simbang Gabi, 16 Disyembre 2024, Isa 56, 1-3a. 6-8 and Jn 5:33-36

Ang unang pagbasa mula kay propeta Isaias ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa unang araw ng ating simbang gabi.

Ayon sa propeta, sinabi daw ng Panginoon: “Ang pagliligtas ko’y di na magluluwat, ito ay darating, ito’y mahahayag sa inyong paningin.”

DI NA MAGLULUWAT. Sigurado ako na hindi na alam ng marami sa inyo, lalo na ng mga kabataan, ang ibig sabihin ng salitang ito: “magluwat”. Tingnan ko nga; pakitaas nga ang kamay ng mga nakakaalam ng meaning ng salitang ito?

Sa mas simple at modernong Tagalog, ang magluwat ay “magtagal.” Kaya alam ko, dahil Kapampangan din ang salitang ito. Pag naiinip na kami sa kahihintay sa Kapampangan sinasabi namin, “Ot kaluwat?” Kung gusto mong tanungin ang kamaganak mong umuwi para dito sa Pilipinas mamasko, pwede mong itanong “Magluwat ka keti Pilipinas?” Magtatagal ka ba dito sa ating bansa?
“Di na magluluwat”, ibig sabihin hindi na magtatagal, o sa loob ng kaunting panahon na lang. In short, malapit na. Kahapon ipinagdiwang natin ang Linggo ng Gaudete. Kaya ang dating madilim na kulay ube ay lumiwanag; naging kulay rosas na. Ibig sabihin—malapit na. (Tingnan mo tayo—hindi pa Pasko, nagsuot-puti na ang pari para sa simbang gabi at kumanta na tayo ng Gloria. Di talaga tayo makahintay.)

Ang nakapagtataka sa ating unang pagbasa ay ang kasunod na linya: “Mapalad ang taong gumagawa nito, ang anak ng taong ang tuntuni’y ito.”

Hindi pala sapat na maghintay lamang sa pagdating ng Panginoon, na parang basta lang ito mahuhulog mula sa langit. Magiging malapit na ang pagdating niya kung gagawin natin “ang dapat gawin”. Kaya ang kasunod na tanong natin ay: ano ba ang dapat gawin upang mapabilis ang pagdating ng Diyos?” Di ba ito rin ang tanong kahapon sa ebanghelyo ng mga nagpapabinyag kay Juan at sumasama sa kanyang: ano ba ang dapat gawin?”

Narinig natin ang sagot ni Juan: na kung ibig natin mas mapabilis ang pagdating ng Panginoon, “pag-aralan daw natin na magbahagi ng kahit anong konting meron tayo sa mga wala: damit o pagkain, basta matamis o bukal sa kalooban. Na kusang umiwas daw sa masamang gawain tulad ng pangingikil at pangungurakot, pagpaparatang sa kapwa ng hindi totoo…” Hinihiram ni Juan Bautista ang mensaheng ito kay propeta Isaias. Sa Isaias 58:6-8, sinabi ng propeta

“Kung titigilan ninyo ang paggawa ng masama, kung paiiralin ninyo ang katarungan, kung palalayain ninyo ang mga inaalipin at tutulungan ang mga inaapi. Kung babahaginan ninyo ng pagkain ang mga nagugutom, kung patutuluyin ninyo ang mga dayuhan…” ano ang mangyayari ?

“Kapag ginawa nʼyo ang mga ito, darating sa inyo ang kaligtasan na katulad ng bukang-liwayway, at pagagalingin ko kayo agad. Ako na inyong Dios na matuwid ang mangunguna sa inyo at ipagtatanggol ko kayo sa pamamagitan ng aking kapangyarihan.”

May dagdag pa ang propeta:

Kung matutunan daw nating ituring bilang kapatid, hindi lang ang kadugo, kapamilya, kababayan, kaalyado o karelihiyon, tayo mismo ay magiging hindi na iba sa Diyos, dahil tayong lahat ay anak niya.

Hindi ba itinuro ni Hesus sa alagad niya na “maging maawain mung paano ang kanyang amaay maawain?” Kung tunay palang nalalapittayo saDiyos o dumarating siya sa buhay natin, ang pinakamalinaw na tabda ay: Wala tayong itataboy o ie-etsapwera. Sabi nga ng propeta: “Ang bahay ng Diyos ay dapat maging tahanan ng panalangin para sa lahat.” Todos, todos, todos, wika nga ni Pope Francis.

Kaya madalas nyo ring marinig sa akin na ang Misa ay hindi isang eksklusibong samahan ng mga matuwid at karapatdapat. Ang simbahan ay bukas para sa lahat: sa binata, dalaga, single parents, sa kasal, hiwalay, o diborsyado, nakasapatos, o nakatsinelas, o kahit walang tsinelas, babae, lalaki, bakla, tomboy, may pinag-aralan o wala, mabait o pasaway, may pinag-aralan o wala, bata, matanda.

Ito ang binago ni Kristo sa kinagisnan niyang pananampalatayang

Hudyo. Bago pumasok si Hesus sa kasaysayan, ang sinumang hindi kamag-anak ni Abraham ay tinatawag na Hentil, ibig sabihin hindi daw kasali sa bayang Israel. Hindi daw pag-aaksayshqn ng panahon ng Doyos para iligtas. Ang misyon ni Hesus ay magtayo, hindi ng mga bakod sa pagitan ng mga tao kundi ng mga tulay na mag-uugnay, kung paanong sa kanyang iisang persona, pinagsama ang pagkadiyos at pagkatao. Kaya sabi ni San Pablo sa mga Taga-Galacia 3:28: “’Ngayon, wala nang pagkakaiba ang Judio sa hindi Judio, ang alipin sa malaya, ang lalaki sa babae. Kayong lahat ay iisa na dahil kayoʼy nakay Cristo na.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Anong solusyon sa edukasyon?

 2,446 total views

 2,446 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

Dadanak ang dugo?

 10,886 total views

 10,886 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 5:5-7, kinasusuklaman ng Diyos ang mga mamamatay-tao, manlilinlang, at sinungaling. Ang ating Panginoon ay Diyos ng katotohanan

Read More »

ICC TRIAL

 27,033 total views

 27,033 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 35,231 total views

 35,231 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

20-PESO RICE

 42,872 total views

 42,872 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE SPIRIT AND US: Partners in Mission

 235 total views

 235 total views Homily for the 6th Sunday of Easter, 25 May 2025 Readings: Acts 15:1–2, 22–29; Revelation 21:10–14, 22–23; John 14:23–29 Thank you all for

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

TEARS

 10,278 total views

 10,278 total views Homily for Mass for the Easter Octave Mass for the Eternal Repose of Pope Francis, Jn 20:11-18 It is the Octave of Easter.

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSALUBONG

 12,636 total views

 12,636 total views Homiliya para sa Paskong Pagkabuhay 2025, Juan 20:1-9 Kung may kakaiba o natatangi tungkol sa Pilipinong pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay, ito ay

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

EKSENANG KARUMAL-DUMAL

 24,610 total views

 24,610 total views Homiliya sa Biyernes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong hapon ng Biyernes Santo, tahimik tayong nagtitipon sa harap ng isang larawang karumal-dumal, ang imahen

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top