Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Digital evangelization, paiigtingin ng Diocese of Malolos

SHARE THE TRUTH

 13,772 total views

Personal na binisita ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang kasalukuyang isinasagawang Diocesan Media Center (DMC) para sa Commission on Social Communications ng diyosesis.

Kasama si Rev. Fr. Joseph Franz T. Dizon na siyang chairman ng komisyon ay personal na ininspeksyon ng Obispo ang pagsasagawa sa tanggapan para sa pagsusulong sa misyon ng diyosesis na paggamit sa makabagong teknolohiya sa pagpapalaganap ng ebanghelyo.

Sa ibinahaging mga larawan at impormasyon ng Diocese of Malolos – Commission on Social Communications sa Facebook page nito, inihayag ng komisyon ang pagpapatayo ng tanggapan upang matiyak ang pagsasakatuparan sa kanilang misyon na magkaloob ng faith-filled digital content para sa mga mananampalataya saan man panig ng mundo.

“We’re halfway through the construction of our soon-to-rise Diocesan Media Center (DMC)—a space dedicated to producing high-quality, faith-filled digital content for our community. Recently, Bishop Dennis Villarojo, together with Fr. Franz Dizon, visited the site to personally witness the progress and express their support for this important mission. Once completed, the DMC will become a powerful tool for evangelization—through livestreams, video productions, and digital media that bring the Gospel to wherever people are.” Bahagi ng mensahe ng Diocese of Malolos – Commission on Social Communications.

Nanawagan naman ang komisyon ng patuloy na panalangin at suporta sa itinatayong tanggapan nito para sa ganap na pagsasakatuparan ng misyon ipalaganap ang ebanghelyo sa kasalukuyang panahon gamit ang makabagong teknolohiya.

Ayon sa komisyon layunin ng diyosesis na sa pamamagitan ng digital evangelization ay patuloy na makapaghatid ng liwanag, pag-asa, at katotohanan ang Simbahan para sa lahat.

“We still need your support to finish the center and install the necessary broadcast equipment. Together, let’s build a home for digital evangelization—one that brings light, hope, and truth to all.” Dagdag pa ng komisyon.

Para sa mga nagnanais na tumulong at makibahagi sa patuloy na pagsasa-ayos sa isinagsawagang Diocesan Media Center (DMC) ng Commission on Social Communications ng Diyosesis ng Malolos ay maaring makipag-ugnayan sa komisyon sa kasalukuyang tanggapan nito sa Diocesan Commission on Social Communications Office na matatagpuan sa ikatlong Palapag ng Diocesan Pastoral Center (Chancery) sa Lungsod ng Malolos, Bulacan o kaya naman ay mag-email sa [email protected] o tumawag sa numero bilang 0962 865 4972.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGACY OF CORRUPTION

 3,995 total views

 3,995 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 54,529 total views

 54,529 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 84,589 total views

 84,588 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 98,469 total views

 98,469 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 10,550 total views

 10,550 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »

RELATED ARTICLES

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 10,553 total views

 10,553 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
Scroll to Top