Caritas Manila, nakikipag-ugnayan sa lahat ng diyosesis na apektado ng masamang panahon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,463 total reads

Tiniyak ng social arm ng Archdiocese of Manila ang pakikipag-ugnayan sa lahat ng mga diyosesis na apektado ng pananalasa ng sama ng panahon dahil sa epekto ng Habagat na una ng pinaigting ng Bagyong Crising.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton CT Pascual, puspusan ang pakikipag-ugnayan ng Caritas Manila sa mga social action directors at obispo ng mga diyosesis na naapektuhan ng matinding pagbaha na dulot ng sama ng panahon.

Pagbabahagi ng Pari, nakataas na ang alerto ng Caritas Manila sa tuwing sasapit ang ikalawang bahagi ng taon dahil sa mga pag-ulan, baha at lakas ng hangin ng dulot ng mga bagyo.

Bagamat tiniyak ni Fr. Pascual, ang tulong sa lahat ng mga naapektuhan ng sama ng panahon ay nanawagan naman ang Pari ng pananalangin upang ipag-adya ang lahat mula sa epekto ng kalamidad.

“Nakikipag-ugnayan tayo sa mga social action, sa mga local bishops at ito’y isang alam naman natin sa ganitong panahon sa 2nd half of the year na July to December talagang expected itong mga tag-ulan, baha, hangin at pinagdadasal natin na huwag maging matindi, zero casualty pero ganun pa man handa ang Simbahan na tumulong.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radyo Veritas.

Nanawagan rin ang Pari sa mga mananampalataya na ipanalangin ang kapakanan at kabuhayan lalo na ng mga nasa sektor ng agrikultura na kadalasan ring nagiging biktima ng kalamidad na dulot ng sama ng panahon.

“Tayo ay patuloy na nagmomonitor at syempre sa probinsya naman ang importante diyan yung mga tinamaan ng agri-communities na mga magsasaka saka mangingisda, tayo rin ang handang magbigay ng relief at rehab.” Dagdag pa ni Fr. Pascual.

Paliwanag ng Pari, 75-porsyento ng mga mahihirap ang kabilang sa sektor ng agrikultura kaya naman higit na kinakailangan ng nasabing sektor ang tulong at panalangin sa oras ng kalamidad.

“Ang pinagdarasal lang natin ay zero casualty at huwag matindi ang pinsala sa ating kabuhayan lalong lalo na sa agricultural sector na naroon ang maraming mahihirap, 75% ng mga mahihirap sa ating bansa ay naroon at tayo po ay ang buong Simbahan lalo na ang mga social action centers ay handang tumulong relief and rehab and restoration sa ating mga kababayan na maapektuhan sa pakikipag-unayan sa LGU at iba pang NGO.” Ayon pa kay Fr. Pascual.

Ang Caritas Manila ang nagsisilbing social arm ng Archdiocese of Manila na kung saan pinangangasiwaan ng Caritas Damayan ang mga pangangasiwa sa pagtugon sa agarang pangangailangan ng mga nasasalanta ng iba’t ibang kalamidad at sakuna hindi lamang sa Maynila kundi maging sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 106,847 total reads

 106,847 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 183,346 total reads

 183,346 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 216,794 total reads

 216,794 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 252,094 total reads

 252,094 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 474,444 total reads

 474,444 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top