Magsilbing lakas at daluyan ng pag-asa ng mga biktima ng kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,172 total reads

Tiniyak ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pakikiisa sa lahat ng mga naapektuhan ng sama ng panahon dahil sa magkakaalinsabay na pag-iral na bagyong Dante at bagyong Emong na pinaiigting pa ng hanging Habagat.

Ayon sa Obispo, sa gitna ng kalamidad ay hindi dapat na isantabi ng sinuman ang kanyang kapwa sa halip ay dapat na magsilbing lakas at daluyan ng pag-asa para sa mga pinanghihinaan.
Pagbabahagi ni Bishop Santos, mahalaga ang sama-samang pananalangin upang ipag-adya ang bansa mula sa kalamidad at sakuna.

“With deep sorrow yet unwavering faith, we unite our hearts in prayer for all our brothers and sisters who have suffered in these recent calamities. As we face the challenges brought by nature, we must never lose sight of our shared humanity and the strength we draw from one another.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Bishop Santos, sa kabila ng anumang pagsubok o hamon sa kasalukuyang panahon ay hindi dapat na mawalan ng pag-asa ang bawat isa sa biyayang kaloob ng Panginoon para sa lahat.
Paliwanag ng Obispo, bukod sa pisikal na paghahanda ay mahalaga rin ang espiritwal na paghahanda ng bawat isa sa oras ng kalamidad upang mapagtibay higit na mapagtibay ang pagtitiwala at pananalig sa habag, awa at plano ng Diyos para sa lahat.

“As Typhoon Dante and other storms loom, let us also prepare—not only physically, but spiritually. Let our readiness be grounded in faith, solidarity, and love for our neighbor. Safety must be a communal effort, and in helping protect one another, we reflect the grace and compassion of God.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Hinihikayat naman ni Bishop Santos ang bawat isa na gawing huwaran si Hesus sa pagtulong at pagtugon sa pangangailangan ng kapwa lalo na ang mga higit na naapektuhan ng nagpapatuloy na sama ng panahon sa bansa.

Kabilang sa panawagan ng Obispo, ang pagpapasilong sa mga nangangailangan ng pansamantalang matutuluyan at pagkakaloob sa pangangailangan ng mga mamamayan na lubos na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Let us be inspired by Christ’s example—reaching out to those in need, offering comfort to the grieving, and shelter to the displaced. The Church stands beside you, not only in word but in action: through our parishes, ministries, and volunteers, we commit to being a source of solace and support.” Ayon pa kay Bishop Santos.

Inanyayahan naman ng Obispo ang bawat isa na ipanalangin ang pamamagitan ng mapaghimalang Birhen ng Antipolo upang ipag-adya ang lahat mula sa anumang kalamidad at sakuna.

Nawa ayon kay Bishop Santos, “May our Blessed Mother, whom we lovingly invoke as ‘ang mapaghimalang Birhen ng Antipolo,’ whose mantle covers every Filipino with care, intercede for us all. And may our heavenly Father teach us to remain meek yet resolute, humble yet steadfast, especially in times of trial.”

Una ng tiniyak ng Simbahang Katolika ang pagtugon ng bawat diyosesis sa pamamagitan ng mga social action centers para sa mga naapektuhan ng pananalasa ng nakalipas na Bagyong Crising, na agad namang sinundan ng Bagyong Dante at Bagyong Emong na pinaiigting pa ng Hanging Habagat.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 24,969 total reads

 24,969 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 173,270 total reads

 173,270 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 207,946 total reads

 207,946 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 224,057 total reads

 224,057 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 260,542 total reads

 260,542 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 268,759 total reads

 268,759 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 24,970 total reads

 24,970 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top