Malalang corruption sa flood control projects ng pamahalaan, kinundina ni Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,563 total reads

Kinundina ng Kanyang Kabunyian Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang patuloy na katiwalian sa kaban ng bayan na nagdudulot ng pagdurusa sa mga mamamayan.

Sa Facebook page ni Cardinal David na siya ring pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, tinukoy nito ang malakawang pagbaha na nararanasan sa Kalakhang Maynila at mga karatig lugar na naiwasan kung hindi napunta sa korapsyon ang kaban ng bayan.

Partikular na pinuna ni Cardinal David ang substandard flood control projects ng pamahalaan lalu na sa Malabon at Navotas na kapwa nasasakop ng Diyosesis ng Kalookan na muling nalubog sa baha ang mga komunidad at maging ang mga Simbahan.

Iginiit ng Cardinal higit na na pinalalala ng katiwalian sa pamahalaan ang masamang epekto ng climate change na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo sa kasalukuyang panahon.

“Climate change is bad enough; corruption makes it even worse. Substandard flood control projects are a total waste of money. Obviously, flood control in our country has to be preceded by corruption control.” pahayag ni Cardinal David.

Pagbabahagi ni Cardinal David, sa kabila ng bilyong pisong halaga ng mga Flood Control Projects sa bansa partikular na sa Kalakhang Manila ay wala pa ring pagbabago ang sitwasyon sa bansa sa tuwing mayroong sama ng panahon.

“Not an iota of improvement, despite billions of pesos spent by national government on DPWH Flood Control Projects. Check out the COA Audit Reports on these projects, and you’ll get the shock of your life.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Binigyan-diin ni Cardinal David na dapat kasama sa “flood control” projects ang corruption control.

Matatandaang una ng tiniyak ng Caritas Kalookan ang kahandaang ng Simbahan na tumugon sa pangangailangan ng mga apektadong parokya at komunidad sa diyosesis na kinabibilangan ng Malabon, Navotas at southern Kalookan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 20,840 total reads

 20,840 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 68,711 total reads

 68,711 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 172,659 total reads

 172,659 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 258,772 total reads

 258,772 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 327,935 total reads

 327,935 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top