Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dignidad ng tao higit sa lahat

SHARE THE TRUTH

 518 total views

Mga Kapanalig, laganap pa rin sa lipunang Pilipino ang mga kathang-isip (o “myths” sa Ingles) tungkol sa mga taong hindi tanggap ng mas marami, gaya ng mga mga LGBT o lesbian, gay, bisexual, and transgender. Kahit nakakasalamuha natin sila araw-araw sa ating trabaho, sa pamayanan, o kahit sa loob ng ating tahanan, marami sa atin ang nagtataas ng kilay sa tuwing nakikita natin sila o kaya nama’y iniiwasan sila. Mga instrumento ng imoralidad at masasamang halimbawa sa kabataan ang tingin ng marami sa kanila. Dahil dito, tampulan sila ng panunukso o kaya nama’y katatawanan dahil sa kanilang pananamit, pagsasalita, o pagkilos. Sa ibang pamilya, kahihiyan ang turing sa mga anak na bakla o lesbiyana. Kahit sa ating mga batas, hindi kinikilala ang mga LGBT katulad ng pagkilala sa isang lalaki o isang babae.

Kaya naman marami sa mga grupo ng LGBT dito sa Pilipinas ang tumutok sa oral arguments na isinagawa ng Korte Suprema para sa isang petisyong kumikuwestiyon sa ilang bahagi ng Family Code of the Philippines, partikular ang probisyon nitong nililimitahan ang pag-aasawa sa pagitan ng lalaki at babae. Para sa mga nagsusulong ng legal na pagkakasal sa mga Pilipinong magkapareho ng kasarian, wala raw nakasaad sa Saligang Batas na ang pag-aasawa ay para lamang sa mga lalaki at babae. “Freedom to love,” iyan daw ang kanilang ipinaglalaban, at magmumula sa pagkilala sa kanilang kalayaang magmahal ang pagkilala sa kanilang mga karapatang ikasal sa taong mahal nila. Naninindigan silang kaya rin ng mga LGBT couples na bumuo at magtaguyod ng pamilya. Matapos ang dalawang araw na oral arguments, binigyan ng Korte Suprema ng 30 araw ang nagpepetisyon at ang respondent (ang Civil Registrar General) upang magsumite ng kani-kanilang memoranda.

Kontrobersyal na usapin ang same-sex marriage sa isang bansang katulad ng Pilipinas kung saan marami ang namulat sa tradisyong ang lalaki ay ikinakasal sa babae, at ang babae ay ikinakasal sa lalaki. Malaking bahagi ang ginagampanan ng kultura sa pananatili ng ganitong pananaw, at hindi natin itatangging may papel dito ang Simbahang Katolika. Ngunit nakalulungkot na bahagi ng kulturang ito ang mga kathang-isip tungkol sa mga LGBT, mga mapanghusgang pananaw tungkol sa mga kapatid nating nakahahanap ng pagpapahalaga sa kapwa nila lalaki o kapwa nila babae. Balakid ang mga kathang-isip na ito sa pagkakaroon ng makahulugang pakikipag-dayalogo sa mga LGBT upang maintindihan natin kung saan nanggagaling ang kanilang pakikipaglaban upang kilalanin ng estado ang pagsasama ng dalawang LGBT.

Mga Kapanalig, may dalawang hamon sa atin ang usapin tungkol sa same-sex marriage. Una, hinahamon tayo nitong tunay na unawain ang ugnayan ng ating Kristiyanong pananampalataya at ng kasagraduhan ng kasal. Sabi nga sa Gaudium et Spes, para sa kabutihan ng mag-asawa at ng kanilang mga anak at ng buong lipunan, ang banal na pagsasama ng dalawang tao ay hindi lamang nakasalalay sa pagpapasya ng tao. Ang Diyos mismo ang may-akda ng pag-aasawa at pinupuspos Niya ito ng biyaya.

Ang ikalawang hamon ay may kinalaman sa kung paano natin ituring ang mga kapatid nating naniniwalang karapatan din nilang ikasal sa kapwa nilang LGBT. Hamon ito para sa mga relihiyoso at laiko. Malinaw sa mga turo ng Simbahan na hindi natin dapat pagkaitan ang mga LGBT ng paggalang at malasakit, dahil una sa lahat, mga tao silang may dignidad. Nakalulungkot na madalas, nauuna na natin silang husgahan na para bang ang mga kasalanang ginagawa nila ay hindi ginagawa ng isang lalaki o isang babae.

Mga Kapanalig, anuman ang ating pananaw tungkol sa same-sex marriage, nawa’y hindi mangibabaw sa atin ang pagkamuhi at mapanghusgang pananaw sa mga LGBT. Tandaan nating nagsisimula ang kasalanan sa kabiguan nating maging instrumento ng pag-ibig ng Diyos sa ating kapwa anuman ang kanilang kasarian.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,724 total views

 24,724 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 32,205 total views

 32,205 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 45,345 total views

 45,345 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 51,318 total views

 51,318 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 57,071 total views

 57,071 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,725 total views

 24,725 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 32,206 total views

 32,206 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 45,346 total views

 45,346 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 51,319 total views

 51,319 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 57,072 total views

 57,072 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,875 total views

 41,875 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,959 total views

 42,959 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,340 total views

 38,340 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,344 total views

 50,344 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 58,386 total views

 58,386 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,943 total views

 49,943 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 48,368 total views

 48,368 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 50,154 total views

 50,154 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 47,079 total views

 47,079 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 61,393 total views

 61,393 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top