Kawalan ng pakialam ng mga Filipino sa nagaganap na karahasan, Pinuna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 583 total reads

Ang mga mamamayang Filipino ang dapat na mas maunang kumilos at gumawa ng hakbang para sa bayan sa halip na ang mga dayuhan.

Ito ang panawagan sa mga mamamayan ni Bro. Gerry Bernabe – Vice President ng Philippines Action for Youth Offenders at Convenor ng Coalition Against Death Penalty kaugnay sa kawalan ng reaksyon at tugon ng mga Filipino sa nagaganap na karahasan sa Bansa.

Iginiit ni Bernabe na kinakailangan na magkaroon ng National Recovery sa bansa sapagkat nakababahala na mas mayroon pang pakialam at simpatya ang mga dayuhan at iba pang International Organizations para sa kapakanan at kalagayan ng karapatang pantao ng mga mamamayan kaysa sa mismong mga Filipino.

“Yun ang nakakabahala ano, talagang ang mas nakakakita ng sitwasyon sa Pilipinas ay yung nasa labas samantalang yung nasa loob ay wala tayong pakialam, pumapalakpak pa tayo, natutuwa pa tayo sana pakinggan natin itong mga boses na ito at tayo kailangan talagang magkaroon tayo ng national recovery para dito, ang mga Filipino talaga ang kailangang makakita kung ano talaga ang problema…” pahayag ni Bernabe sa panayam sa Radyo Veritas.

Matatandaang noong nakalipas na buwan ay muling umapela ang 38-member states ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa Gobyerno ng Pilipinas na tuluyan ng wakasan ang Kampanya laban sa illegal na droga at makipagtulungan upang imbestigahan ang human Rights Situation sa bansa.

Kaugnay nito, sa tala mismo ng Philippine National Police tinatayang umaabot na sa 23-libong indibidwal ang nasawi sa ilalim ng Duterte Administration sinasabing dulot ng naging malawakang kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

Samantala, patuloy rin ang panawagan ng Simbahang Katolika para sa katarungan ng lahat ng mga napaslang sa naturang kampanya kung saan karamihan ay hindi pa napatutunayan at nahahatulan ang pagkakasala ng hukuman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 24,237 total reads

 24,237 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 244,854 total reads

 244,854 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 279,527 total reads

 279,527 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 295,427 total reads

 295,427 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 330,223 total reads

 330,223 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 51,136 total reads

 51,136 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top