Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maging buhay na halimbawa ng Simbahan, paanyaya ng Papal Nuncio sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

 479 total views

Ang Simbahang Katolika ay hindi lamang nakasentro sa iisang bansa, iisang kultura o iisang estado, dahil ito ay pandaigdigan.

Ito ang binigyang diin ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia, matapos ang kauna-unahang pagdiriwang ng Pope’s Day sa Pilipinas.

Ayon sa Arsobispo, ang paglalakbay nina San Pedro at San Pablo patungo sa iba’t-ibang bahagi ng mundo at ang pagtatatag nito ng Simbahang Katolika sa Roma ang nagpapatunay ng “universality” o pagiging pandaigdigan ng Santa Iglesia.

Inihayag ng Arsobispo na bahagi nang patuloy na misyon ng dalawang Santo at Simbahan na itaguyod ang pagkakaisa ng sangkatauhan sa gitna ng pagkakahati-hati ng mundo, at ang palaganapin ang kapayapaan sa pamamagitan ng pag-ibig ng Panginoon.

“This is Peter’s ongoing mission even today, to ensure that the Church is never identified with a single nation, with a single culture or with a single State but it is always the Church of all; to ensure that she reunites humanity over and above every boundary and, in the midst of the divisions of this world, makes God’s peace present, the reconciling power of his love.” homiliya ni Abp. Caccia.

Samantala, binigyang pansin naman ni Abp. Caccia na dahil sa makabagong teknolohiya ay mas nagiging madali ang ugnayan ng mga tao sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.

Gayunman, aminado ang Arsobispo na nakalilikha din ito ng bagong uri ng problema na siya namang nagpapalala sa mga nauna nang suliranin ng mundo.

Naniniwala ang Arsobispo na sa gitna ng “external unity” o panlabas na ugnayan ng mga tao na dala ng mga materyal na bagay, mahalaga parin na mag-ugat sa Panginoon ang kapayapaan na magdudulot ng pagkakaisa sa sanlibutan.

“In the midst of this external unity, based on material things, our need for the inner unity which comes from God’s peace is all the greater – the unity of all those who have become brothers and sisters through Jesus Christ. This is Peter’s permanent mission and also the specific task entrusted to the Church of Rome.” Dagdag pa ng Arsobispo.

Samantala, humiling naman ng panalangin si Abp. Caccia sa mga mananampalataya para kay Pope Francis upang maipagpatuloy ng Santo Papa ang kanyang misyon nang pakikipagkaisa sa sambayanan ng Diyos.

Hiniling pa ni Abp Caccia na ipanalangin sa Panginoon na tayo din sa pamamagitan ni San Pedro at San Pablo ay maging saksi ng pag-ibig ng Diyos at maging tagapagtaguyod ng pagkakaisa ng simbahan sa pamamagitan ng ating pagiging buhay na halimbawa.

Read:  Homily of Papal Nuncio to the Philippines Abp. Gabriel Giordano Caccia during the Pope’s Day

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 73,508 total views

 73,508 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 91,857 total views

 91,857 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 110,141 total views

 110,141 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 264,900 total views

 264,900 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 309,347 total views

 309,347 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 270,329 total views

 270,329 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 214,175 total views

 214,175 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top