Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Kidapawan, tumulong na rin sa mga magsasakang biktima ng madugong dispersal

SHARE THE TRUTH

 461 total views

Kumikilos na rin ang Diocese of Kidapawan para matulungan ang mga magsasaka lalo na ang mga nagpo-protesta dahil sa pagkagutom bunsod na hindi sila makapagtanim dahil sa epekto ng El Nino

Ayon kay Diocese of Kida1pawan Apostolic Administrator Sede Vacante, Rev. Fr. Lito Garcia, nag aayuda na rin sila sa mga nasugatan sa madugong dispersal para sa kanilang gastos sa ospital.

“Nakikipag-coordinate ang mga pari sa mga sugatan para maipadala sila sa ospital, pantustos sa kanilang gastos, inaayos ngayon , dahil as of yesterday andun pa rin ang mga raliyista na may humihingi na rin ng bigas, andun ang mga pulis na humahadlang na sila ay papasukin dahil may ibang grupo na dumating at nanghihingi ng bigas.” Pahayag ni Fr. Garcia sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, inihayag ni Fr. Garcia na ngayong umaga posibleng ibigay ng lokal na pamahalaan ang bigas na ipinangako nila sa mga magsasaka na kukunin nila sa kani-kanilang munisipyo dahil ito ang napagkasunduan noong Biyernes sa negosasyon..

“Babalik ang mga raliyista sa kanilang mga munisipyo dahil dun ibibigay ang kanilang mga bigas, makakauwi sila na may matatangap na bigas at ihahatid pa sila sa kanilang mga barangay, nagbalikan na rin ang mga lider, “ ayon pa sa pari.
Magugunitang tatlong magsasaka ang ang namatay habang marami pa ang sugatan sa madugong pagtaboy sa kanila ng magsagawa sila ng pagharang sa mga pangunahing kalsada matapos na hindi pa naibigay ng gobyerno ang kanilang subsidiya sa bigas.

Napag-alamang ang actor na si Robin Padilla ay nagpadala na ng 260 sako ng bigas at iba pang indibidwal at institusyon

Nagprotesta ang may 5,000 mga magsasaka dahil sa pagkagutom bunsod na rin na hindi sila makapagtanim dahil sa epekto ng tagtuyot.

Sa ulat ng Pagasa, mahigit na sa 60 ang lalawigan na apektado ng El Nino sa bansa karamihan nito nasa Mindanao.

Una ng nanawagan ang Santo Papa Francisco sa kanyang encyclical on ecology na Laudato Si na pangalagaan ang kalikasan para malabanan ang malalang epekto ng Climate change gaya ng El Nino at La Nina.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 15,957 total views

 15,957 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 29,917 total views

 29,917 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,069 total views

 47,069 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,288 total views

 97,288 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,208 total views

 113,208 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 68,072 total views

 68,072 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 93,887 total views

 93,887 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 133,462 total views

 133,462 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top