VeritasPH

The Word, The Truth

Ang sukli sa mga magsasaka

SHARE THE TRUTH

 409 total views

Mga Kapanalig, kagimbal-gimbal ang kinahantungan ng isang mapayapang protesta ng mga magsasaka sa Kidapawan City sa probinsya ng Cotabato nitong nakaraang Linggo.

Una nang nagtipun-tipon sa harap ng opisina ng National Food Authority o NFA ang humigit-kumulang 6,000 magsasaka mula sa North Cotabato. Kanilang ipinanawagan ang agarang tulong ng pamahalaan dahil sa lumalalang epekto ng tagtuyot sa kanilang mga taniman. Ngunit sa halip na harapin at kausapin ang mga nagbabarikada, kasama ang mga militanteng grupong sumusuporta sa kanila, puwersahan silang itinaboy ng mga pulis. Gaya ng inaasahan, tumanggi ang mga magsasakang lisanin ang lugar, hanggang sa sumiklab ang karahasan. Nagpaputok ng baril ang mga pulis. Dalawang magsasaka ang agad na binawian ng buhay—isa dahil sa tama ng bala sa kanyang leeg, habang ang isa ay tinamaan ng bato sa ulo. Labintatlo ang sugatan. Tumakbo sa compound ng isang Methodist Church ang mga tao, at doon sila ay pinalibutan ng mga pulis.

Lumabag man ang mga nagpoprotesta sa patakaran ng mga pulis o hindi, malinaw sa pangyayaring ito ang maaaring sapitin ng mga magsasaka natin dahil sa kawalan ng kabuhayan at tumitinding gutom. Ang sinapit ng mga sakahan sa bahaging iyon ng Mindanao ay dahil sa matinding init na dala ng El Niño, bagay na tinutugunan umano ng ating gobyerno.

Lumabag man sila o hindi sa batas, sila man ang nagsimula ng gulo o ang kabilang panig, karahasan po ba ang igaganti natin sa mga magsasakang nagpapakahirap para magkaroon tayo ng pagkain sa ating mga hapag?

Ang mga panlipunang turo ng ating Simbahan ay nagbibigay po sa atin ng mga prinsipyo na maaaring gamiting batayan para suriin ang mga patakaran at programa ng pamahalaan para sa sektor ng agrikultura. Ang ginawa ng mga magsasaka ng Kidapawan ay isang paraan lamang para hingiin sa gobyerno ang nararapat para sa kanila bilang mga magsasaka at bilang mga Pilipino. Ang pabayaan silang kumain ng darak, gaya ng napapabalita, at malugmok sila sa depresyon dahil sa gutom ay malalim na sugat sa kanilang dignidad bilang mga tao.

Bilang mga magsasakang nag-aambag sa ating ekonomiya at sa pagkain ng populasyon, sila ay nararapat gawaran ng tinatawag nating “commutative justice,” ibig sabihin, ang ugnayan ng mga tao sa lipunan at ang kanilang pagbabahaginan ng biyaya sa isa’t isa ay dapat na makatarungan, dapat pantay-pantay. Kaugnay nito ang tinatawag naman nating “distributive justice,” kung saan ang mga benepisyo sa ating lipunan ay dapat na nakararating sa lahat, kasama ang mga dukha. Samantala, ang “social justice” naman ay tungkol sa pagbibigay ng pagkakataon sa lahat na paunlarin ang kanilang mga sarili at lipunang ginagalawan.

Ang United States Conference of Catholic Bishops of USCCB ay naghain ng mga gabay upang masuri natin kung ang mga umiiral na patakaran at ipinatutupad na mga programa para sa mga magsasaka at sa sektor ng agrikultura ay sumasang-ayon sa mga prinsipyong nabanggit. Halimbawa, maaari nating itanong: Nakatutulong ba ang mga patakarang ito para matugunan ang kagutuman at kahirapan lalo na sa kanayunan? Nagagawa ba ng mga itong bigyan ng sapat at disenteng buhay ang mga magsasaka at ang kanilang mga pamilya? Ang mga pinatutungkulan ba ng mga programa ng pamahalaan ay nabibigyan ng tunay na pagkakataon para linangin ang kanilang mga sarili at iangat ang kanilang kalagayan sa buhay?

Kung ang tugon ng pamahalaan sa mga hinaing ng mga magsasaka—lumabag man sila o hindi sa batas habang nagpoprotesta—ay karasahan, gaya ng nangyari sa Kidapawan, wala tayong maasahang malinaw na tugon sa mga tanong natin kanina. Nakalulungkot na ang gutom at kahirapan—hindi lamang sa Kidapawan kundi sa ating bansa—ay maaaring mauwi sa walang saysay na pagkamatay.
Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 2,177 total views

 2,177 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 9,713 total views

 9,713 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 25,699 total views

 25,699 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 33,744 total views

 33,744 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 38,824 total views

 38,824 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 2,178 total views

 2,178 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 9,714 total views

 9,714 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 25,700 total views

 25,700 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 33,745 total views

 33,745 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 38,825 total views

 38,825 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,022 total views

 43,022 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,808 total views

 44,808 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,733 total views

 41,733 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,047 total views

 56,047 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,737 total views

 59,737 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,340 total views

 58,340 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,327 total views

 68,327 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,295 total views

 72,295 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,182 total views

 83,182 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,621 total views

 95,621 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top