Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Cabanatuan, ikinatuwa ang pagsasailalim ng Nueva Ecija sa MGCQ

SHARE THE TRUTH

 340 total views

June 22, 2020, 1:50PM

Tiniyak ng Diocese of Cabanatuan sa Nueva Ecija ang pagsunod sa mga ipinatutupad na panuntunan ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) kaugnay sa pagsasagawa ng mga gawaing pansimbahan sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ito ang ibinahagi ni Cabanatuan Bishop Sufronio Bancud kasunod ng pagdideklara ng MGCQ sa Region 3 na kinabibilangan ng probinsya ng Nueva Ecija simula noong ika-16 ng Hunyo hanggang ika-30 ng Hunyo.

Ayon sa Obispo, mahigpit ang pagtalima ng diyosesis sa mga panuntunan ng IATF kung saan patuloy rin ang pagpapaalala ng Simbahan sa mga mananamapalataya kaugnay sa pagsunod sa mga safety health protocol bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Bishop Bancud na nagtakda rin ng mga panuntunan ang diyosesis upang matiyak na masusunod sa lahat ng mga Simbahan ang mga pag-iingat sa sakit kabilang na ang social distancing o physical distancing.

“So sinusunod namin yung mga protocol na iniwan and we have to adapt it pero okey hopefully MGCQ na kami nag-prepare na agad kami ng protocol din para masunod, we know for a fact that there are people who come in, they are warned pero we already provide spaces talagang yung social distancing nakahanda…”pahayag ni Bishop Bancud sa panayam sa Radio Veritas.

Ang Diocese of Cabanatuan ay mayroong mahigit 30 mga parokya na gumagabay sa may 1.2-milyong mananampalatayang Katoliko ng diyosesis.

Nasasaad sa panuntunan ng IATF na sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ay pahihintulutan na ang 50-porsyento ng kapasidad ng mga Simbahan.

Samantala nananatili naman sa 5-katao lamang ang maaring dumalo sa mga gawaing pansimbahan sa mga lugar kung saan umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine at hanggang sa 10-katao naman sa GCQ.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,803 total views

 72,803 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,578 total views

 80,578 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,758 total views

 88,758 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,356 total views

 104,356 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,299 total views

 108,299 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 23,091 total views

 23,091 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 23,761 total views

 23,761 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top