Dinaranas na mental depression ng mga estudyante, ikinalulungkot ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 986 total reads

June 21, 2020, 2:13PM

Ikinalungkot ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang naiulat na pagpatiwakal ng hindi pinangalanang estudyante ng high school dulot ng kahirapan at pangamba sa panibagong pamamaraan ng pag-aaral na bahagi ng new normal.

Ayon kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, labis ang epekto na idinudulot ng COVID-19 pandemic lalo na sa mahihirap partikular sa mga mag-aaral na sasailalim sa online classes na dagdag gastusin sa mga magulang.

Ipinaliwanag ng Obispo na bagamat mahirap unawain ay binigyang diin nitong lahat ng suliranin at pagsubok sa buhay ay may solusyon.

“Mahirap tarukin ang mga suliranin na dulot ng COVID-19, marami ang naapektuhan; ang damdamin na nadarama dahil sa kakulangan ng gamit sa pag-aaral lalo sa panahon ngayon na walang pagkakakitaan subalit lahat ng suliraning dumadating sa buhay natin ay may paraan at kalutasan,” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Batay sa ulat nagpatiwakal ang 19-anyos na estudyante sa lalawigan ng Albay dahil sa pangambang hindi makabibili ang mga magulang ng mga gamit para sa nalalapit na pagsisimula ng online classes dala ng kahirapan.
Dahil dito nagpaabot ng pakikiramay at pakikiisa si Bishop Mallari sa pamilyang naulila ng biktima at dalangin ang katatagan sa gitna ng pagsubok na hinaharap.

“Karamay ninyo kami [simbahan] sa inyong pagdadalamhati at taus-puso ang aking pagasa sa Diyos sa kanyang awang walang hanggan para sa ating lahat,” dagdag ni Bishop Mallari.

Magugunitang suportado ng Catholic Education Ministry ng CBCP ang pagbubukas ng klase sa Agosto sapagkat malaki ang maitutulong nito sa kabataan partikular sa pag-iisip o mental health lalo’t dumarami ang kaso ng depresyon mula nang ipatupad ang mahigpit na panuntunan ng community quarantine sa bansa.

Sinabi rin ng Department of Education na bukod sa online learning ay mamahagi rin ng modules ang ibang eskwelahan para sa mga batang walang kakayahan sa online classes partikular sa kanayunan na hindi abot ng signal ng internet, radyo at telebisyon.

Patuloy na nanawagan ng pagkakaisa ang simbahang katolika sa bawat mamamayan upang matulungan ang mga nakararanas ng depresyon dulot ng pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 76,859 total reads

 76,859 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 171,661 total reads

 171,661 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 215,929 total reads

 215,929 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 239,038 total reads

 239,038 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 310,716 total reads

 310,716 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top