Simbahan, tutol sa Anti-Terrorism Act of 2020 upang protektahan ang mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 598 total reads

June 21, 2020, 11:21AM

Ipinaliwanag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na ang pagtutol ng simbahan sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Act of 2020 ay upang protektahan ang mamamayan laban sa posibleng pang-aabuso sa karapatang pantao.

Sa pagninilay ng obispo sa misang ginanap sa Radio Veritas chapel, sinabi nitong dapat mangamba ang mamamayan sa nasabing panukala sapagkat lubhang mapanganib ang probisyong napapaloob dito lalo na ang pag-aresto sa mga pinahihinalaang banta sa terorismo.

“Dapat mayroon tayong ipangamba sapagkat manganganib ang karapatang pantao ng mamamayan; kaya tayo tumututol dito [Anti Terrorism Act],” bahagi ng pagninilay ni Bishop Bacani.

Tinukoy ni Bishop Bacani na isa sa bumalangkas sa 1987 Constitution na sa isang probisyon sa naturang panukala ay naglalahad na maaring arestuhin ang sinumang mapaghihinalaang may ugnayan sa gawaing terorista na walang warrant of arrest at maaaring makulong sa loob ng labing-apat na araw at karagdagang sampung araw.

Ayon sa Obispo, ito ay isang malinaw na paglabag sa Konstitusyon na maaring magresulta ng mga paglabag sa karapatang pantao ng mga Filipino partikular na ang mga sumasalungat sa kasalukuyang administrasyon.

Inihalimbawa ng obispo ang personal na karanasan nito ng isinakdal ng Philippine National Police sa kasong sedition, inciting to sedition, cyber libel at iba pa.

Kasama ni Bishop Bacani sa naturang kaso sina Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, Cubao Bishop Honesto Onctioco, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, ang mga pari na sina Fr. Flavie Villanueva, Fr. Robert Reyes , Fr. Albert Alejo at maging si Vice President Leni Robredo na kapwa kritikal sa mga polisiyang ipinatutupad ng pamahalaan partikular na sa pagsugpo ng iligal na droga.

“Kung nagawa ito sa mga obispo, pari at maging sa mga politiko; kayang-kayang gawin din ito sa mga ordinaryong mamamayan,” dagdag pa ni Bishop Bacani.

Muling hinimok ng obispo ang mananampalataya na huwag katakutan ang tao bagkus ay dapat na matakot sa Diyos sapagkat ito ang humahatol sa huling araw.

Sinabi ni Bishop Bacani na ay babala sa mga makapangyarihang sumisikil, sa mga taong nagsasamantala ng kanilang lakas at kapangyarihan upang apihin ang kapwa.

Matatandaang pasado na sa dalawang kapulungan ang Anti Terror Bill at hinihintay na lamang itong lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte bago tuluyang maisabatas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 95 total reads

 95 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 37,481 total reads

 37,481 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 68,752 total reads

 68,752 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 146,319 total reads

 146,319 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 240,543 total reads

 240,543 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top