Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 226,585 total views

Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin si Cavite Fourth District Representative Francisco “Kiko” Barzaga.

Una na siyang sinuspinde noong Disyembre dahil sa mga “inappropriate social media posts and misconduct.” Hindi raw akma sa kanyang posisyon ang mga ipino-post niya sa social media. Tumagal ang suspensyon ni Congressman Barzaga ng 60 na araw.

Ang bagong suspensyon—na tatagal muli ng 60 na araw—ay nag-ugat sa reklamo ng mga kapwa rin niya kongresista. Iniugnay kasi ni Congressman Barzaga ang ilang kabaro niya mula sa National Unity Party na tumanggap ng suhol mula sa isang negosyante. Kapalit ng suhol na ito ang pagboto daw nila kay Leyte Representative Martin Romualdez para maging speaker. Inakusahan din niya ang isang yumaong mambabatas na sangkot sa korapsyon kaugnay ng mga flood control projects. Wala naman siyang matibay na ebidensya. 

May isa ring congressman na gustong disiplinahin si Leyte Fourth District Representative Richard Gomez. Sa isang privilege speech, hinimok ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang Kamara na disiplinahin ang dating artista at ngayon ay congressman dahil sa umano’y pananakit niya kay Philippine Fencing Association president Rene Gacuma, isang senior citizen, noong nagdaang SEA Games sa Thailand. Kung siya ang tatanungin, gusto rin ni Congressman Gacuma na patawan ng 60 na araw na suspensyon si Congressman Gomez.

Kung inyong matatandaan, lumutang ang isang video kung saan sinugod, pinagalitan, at sinaktan ni Congressman Gomez ang pinuno ng Philippine Fencing Association dahil sa desisyon ng huli ukol sa mga manlalarong isinalang sa fencing. Nagbanta pa raw ang kongresista na haharangin ang pagbibigay ng budget sa asosasyon. Sa testimonya ng opisyal ng asosasyon, sinabi niyang tinapakan ang kanyang paa, inipit ang daliri, at minura. Sa nangyaring komprontasyon, nalagay daw sa alanganin ang buhay ng senior citizen na may kondisyon sa puso at altapresyon. 

Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pang pasya ang Kamara sa kahilingan ng kinatawan ng mga senior citizens.

Mataas dapat ang tingin natin sa mga lingkod-bayad gaya ng mga mambabatas. “Kagalang-galang” o “honorable” nga ang tawag natin sa kanila. Sa ilalim ng Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, dapat sumunod sa mahigpit na panuntunan ang mga mambabatas pagdating sa tamang pag-uugali at gawi. Dapat silang maging propesyunal, walang pinapaboran, tapat, at patas. Hindi nila dapat abusuhin ang kanilang posisyon—na nangyayari kapag nagpapakalat sila ng malisyosong impormasyon o nananakit ng kanilang kapwa. Akma sa kanila ang paalala sa Tito 2:7 na “maging halimbawa ng mabuting ugali,” lalo na’t tangan nila ang kapangyarihang mula sa mga mamamayang nais nilang paglingkuran. 

Ang usapin tungkol sa disiplinang ipinakikita ng ilang kongresista natin ngayon ay maaaring tingnan gamit ang mga panlipunang turo ng Simbahan, partikular na ang tungkol sa pag-iral ng “culture of integrity” o kultura ng katapatan. Kaakibat nito ang wastong pag-uugali, pananalita, at pagkilos. Ang pulitikal na kapangyarihan (o political authority), paalala ng Simbahan, ay dapat ginagamit alinsunod sa mga hangganan ng tinatawag na “moral order”—sa madaling salita, ginagamit ang kapangyarihan sa tama, wasto, at dapat. 

Malinaw na labag dito ang pagpapakalat ng malisyosong impormasyon—pati na rin ang mga social media posts na hindi akma sa mga lingkod-bayan. Salungat din dito ang pananakit sa iba—pisikal man o sa salita—lalo na sa matatanda at may sakit. Sa mga kasong ito, may pag-abuso sa posisyong ipinagkatiwala sa kanila.

Mga Kapanalig, ang disiplinang inaasahan lagi sa mga mamamayan ay dapat na unang nakikita sa mga pinuno ng bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 58,579 total views

 58,579 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 133,193 total views

 133,193 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 213,272 total views

 213,272 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 256,411 total views

 256,411 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 254,030 total views

 254,030 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mula Batanes hanggang… saan?

 58,580 total views

 58,580 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 133,194 total views

 133,194 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 213,273 total views

 213,273 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 256,412 total views

 256,412 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »
Scroll to Top