Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dismiss sedition charges

SHARE THE TRUTH

 293 total views

Ito ang panawagan ng Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan sa pamahalaan sa pagsasangkot sa mga obispo at pari sa kasong sedition kasama ang 35 pang mga indibidwal.

Sa opisyal na pahayag ng arkidiyosesis na binasa ni Lingayen, Dagupan Auxiliary Bishop Fidelis Layog, binigyang diin nito na ang mga Obispo at pari ay mga tagapagtaguyod ng katotohanan na nagsisiwalat lamang ng katotohanan sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsusuri sa tunay na kalagayan ng lipunan sa Pilipinas.

Dagdag pa dito, ang paraan ng paghahayag ng mga pari at Obispo ay bahagi ng kanilang karapatan sa pamamahayag na naaayon sa konstitusyon ng Pilipinas.

“We are certain that these advocates of truth only engage with other people to create a richer discourse in analyzing and understanding the situation of the country—they were merely exercising their constitutional right to freedom of expression and association,” bahagi ng pahayag ng Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan.

Patuloy na panawagan ng mga mananampalataya ang dismissal o pagbalewala sa kasong sedisyon sa mga kinatawan ng simbahan na sina Archbishop Socrates Villegas, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani, Fr. Albert Alejo, Fr. Robert Reyes, at Fr. Flaviano Villanueva.

“It is our faith in true democracy that we stand together in the belief that the sedition charges filed against our beloved Archbishop Soc and the other advocates of truth are unfounded and untrue and we hereby petition its dismissal.”

Nag-alay din ng misa ang Arkidiyosesis ng Lingayen Dagupan para kay Archbishop Villegas at sa iba pang pari at Obispong inakusahan ng sedisyon.

Read: 3-buwang pagpapatunog ng kampana, sinimulan ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan
130 Lay Organizations, naninindigan para sa mga inuusig na lider ng Simbahan

Sa pagninilay ni Bishop Layog, hinimok nito ang mga mananampalataya na gumawa ng paraan upang mangibabaw ang katotohanan.

Ayon sa Obispo, hindi sapat na sabihin lamang na pumapanig tayo sa katotohanan at katarungan, bagkus kailangan aniya na tukuyin at isiwalat ang mga mali at ang pinagmumulan ng mga katiwalian at kawalang-katarungan.

“It is not enough to say that we are for truth; we must also say why it is wrong to lie and falsely accuse. It is not enough to speak of justice, but we must also question the source of injustice,” bahagi ng pahayag ni Bishop Layog.

Read: Mananaig ang Katotohanan-Archbishop Villegas
Pinagpala ang mga inuusig at maling pinaparatangan-Bishop Dimoc

Umaasa naman ang Obispo, na sa kabila ng mga maling paratang, at kasinungalingang ibinabato sa simbahan ay mananaig pa rin ang katotohanan.

“In this time of our history, it is not enough to do what is good – Hukayin ang katotohanan sapagkat tulad ng perlas, palagi itong magniningning! Ang kapayapaan ay dapat magningning! Ang Karapatan pang Tao ay dapat palaging magningning!” dagdag pa ni Bishop Layog

Libu-libong mga mananampalataya ang nakiisa sa banal na misa na sinundan ng prusisyon at candle-lighting sa paligid ng Cathedral of St. John the Evangelist sa Archdiocese of Lingayen, Dagupan.

Bukod sa mga pari, relihiyoso at relihiyosa, nakiisa din sa banal na misa si Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc.

Read: Official Statement of the Archdiocese of Lingayen, Dagupan about the sedition charges against Abp. Socrates Villegas and other Bishops and Priests.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 7,145 total views

 7,145 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 15,461 total views

 15,461 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 34,193 total views

 34,193 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 50,699 total views

 50,699 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,963 total views

 51,963 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 87,462 total views

 87,462 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 73,023 total views

 73,023 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top