Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panalangin ni Cardinal Tagle sa mga inuusig, pagkakaisa at kapayapaan

SHARE THE TRUTH

 287 total views

Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang lahat ng parokya at religious institution ng Archdiocese of Manila at mga layko na mag-alay ng misa at panalangin para sa mga pari at obispo na nahaharap sa pang-uusig dahil sa kanilang pananampalataya at paninindigan.

Ito ang nilalaman ng inilabas na circular letter ni Cardinal Tagle kaugnay na rin sa kasalukuyang nagaganap sa lipunan.

Ayon sa kaniyang kabunyian, ang mga panalanging ito ay bilang pagpapahayag ng suporta at pakiisa sa mga nagdurusa nang dahil sa mga maling paratang.

Kalakip din ng liham ang panalangin para sa Bayan na babasahin simula sa Linggo at darasalin buong buwan ng Agosto kabilang na ang mga misa tuwing Sabado ng gabi.

“Our dear Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle is asking all of us, priests, religious men and women and lay faithful in the Archdiocese of Manila, to offer our Masses and prayer for all our Bishops and Priests, especially those who suffer because of persecution and false accusations. Let our prayers be the best expression of our solidarity and fraternal support for them,” bahagi ng circular letter na nilagdaan ni Fr. Reginald Malicdem, chancellor ng Archdiocese of Manila.

Ang panawagan ay kasabay na rin ng pagdiriwang ng simbahan ng kapistahan ni St. John Marie Vianney ang patron ng mga pari sa ika-4 ng Agosto.

Panawagan para sa kapanatagan ng mga inuusig

Kalakasan at kapanatagan para sa mga lingkod ng simbahan na iniuugnay sa kasong sedisyon.

Ito ang nilalaman ng panalangin ni Cardinal Tagle sa mga obispo, pari at mga layko na nagdurusa dulot ng maling paratang dahil sa kailang paninindigan.

“Itinataas namin sa iyo ang mga obispo, pari, relihiyoso, at layko na nagdurusa dahil sa maling paratang at pag-uusig dahil sa kanilang paninindigan sa pananampalataya at katarungan,” ayon sa panalangin ni Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle, bigyan nawa sila ng Panginoon ng kapanatagan na malagpasan ang bawat pagsubok na kinakaharap.

Bahagi rin ng panalangin ng kaniyang Kabunyian ang mga biktima ng pagpaslang at karahasan gayundin sa mga paring nagbuwis ng buhay sa pakikipaglaban para sa katotohanan.

“Tanggapin mo sa iyong hapag sa kalangitan ang mga napaslang sa mga marahas na organisadong pagpatay kasama ang mga paring nagbuwis ng buhay sa pagsusulong sa katotohanan at katarungan.”

Nawa ang bawat isa na nahaharap sa suliranin ay bigyan ng kalakasan para magpatuloy.

Sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa si Cardinal Tagle kung saan kabilang sa tinungo nito ang Rohingyan Refugee camp sa Bangladesh bilang bahagi ng kaniyang tungkulin bilang pangulo ng Caritas Internationalis.

Una na ring kinasuhan ng PNP-CIDG ang 35 indibidwal kabilang na ang mga obispo at mga pari ng simbahan sa planong pagpapatalsik sa administrasyong Duterte.

Nagsagawa naman ng misa ang ilang diyosesis kabilang na ang Archdiocese ng Lingayen-Dagupan, Diocese ng Cubao at Balanga Bataan bilang suporta sa mga lingkod ng simbahan na maling pinaratangan.

Nag-ugat ang kaso sa pahayag ni Joemel Peter Advincula Alyas Bikoy na siyang nasa likod ng video na ang Totoong Narcolist na unang iniugnay sa ilegal na droga ang mga malalapit na kaibigan at pamilya ng Pangulong Duterte, bagama’t binawi rin sa halip ay pinangalanan ang mga kritiko ng Pangulo na nasa likod ng ‘destabilization plot’ laban sa punong ehekutibo.

PRAYER

Itinataas namin sa iyo ang mga obispo, pari, relihiyon, at layko
na nagdurusa dahil sa maling paratang at pag-uusig
dahil sa kanilang paninindigan sa pananampalataya at katarungan.
Pagkalooban mo sila ng banal na kagalakan at kapanatagan
na magtatawid sa kanila sa madidilim na gabi at paghihirap.

Tanggapin mo sa iyong hapag sa kalangitan
ang mga napaslang sa mga marahas na organisadong pagpatay
kasama ang mga paring nagbuwis ng buhay
sa pagsusulong sa katotohanan at katarungan.

Kasama si San Pablo aming sinasambit.
“Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit ‘di kami nalulupig.
Kung minsa’y nababagabag kami, ngunit di nawawalan ng pag-asa.
Inuusig kami ngunit hindi kami pinapabayaan ng Panginoon.
Napapabagsak kami, ngunit di tuluyang napapatay.
Upang sa pamamagitan n gaming katawan
ay mahayag ang kanyang buhay” (2 Corinto 4: 8-10).

Dahil kapiling ka namin, Panginoon,
walang anumang naganap na o darating pa
ang makakaagaw sa aming pag-asa kay Kristo.
Nagtitiwala kami sa iyong walang maliw na pagmamahal.
Ikaw lamang ang makakahilom ng mga sugatang puso.
Ikaw lamang ang makakapagpatahan sa aming pagluha.
Ikaw lamang ang makakapagbigay sa amin ng kapayapaan.
Ikaw lamang ang makakapagpaloob ng lakas upang kami ay magpatuloy.
Palakasin mo ang mga pinapanghinaan ng loob
at bigyan ng katiyakang walang imposible o hindi mapangyayari sa iyo.
Puspos ng Espiritu Santo, lumalim nawa ang aming pag-ibig at malasakit sa bawat isa.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo aming Panginoon.

Amen.

Maria, Ina ng Pag-asa, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Juan Vianney, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.
Beato Jose Maria de Manila, ipanalangin mo kami.
Beato Justo Tayakama Ukon, ipanalangin mo kami.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

“Same pattern” kapag may kalamidad

 3,277 total views

 3,277 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 18,045 total views

 18,045 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 25,168 total views

 25,168 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 32,371 total views

 32,371 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 37,725 total views

 37,725 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

Interreligious dialogue at harmony, misyon ng Santo Papa

 54 total views

 54 total views Bukod sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang relihiyon, ang pag-abot at pakikipagtagpo sa mga mananampalataya sa malalayong lugar at ibang pananampalataya ang isa sa mahalagang gawain ng Santo Papa Francisco bilang pinuno ng simbahang katolika. Ito ang binigyan diin ni Apostolic Nuncio to the Philippine Archbishop Charles Brown sa 45th Apostolic Journey ni Pope

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Paglapastangan sa Huling Hapunan sa Paris Olympics: Obispo, hinikayat ng mananampalataya na tumugon ng may pag-ibig

 16,247 total views

 16,247 total views Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na bilang mga anak ng Diyos, ay hindi dapat tanggapin ang mga pananaw ng mga hindi sumasampalataya o umangkop sa pamantayan ng mundo. Ito ang mensahe ng obispo, kaugnay na rin sa ginawang paglalarawan ng Huling Hapunan ng ilang grupo na ginanap sa pagsisimula ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

 39,885 total views

 39,885 total views Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo. Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Kura-paroko ng nasunog na 17th century church sa Ilagan-Isabela, nanawagan ng tulong

 38,460 total views

 38,460 total views Nanawagan ng tulong ang parokya ng St. Ferdinand sa Ilagan, Isabela sa mga mananampalataya upang muling maitayo ang nasunog na simbahan. Ayon kay Fr. Zuk Angobung Parish Priest ng St. Ferdinand Parish, kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos ang simbahan at pawang mga manggagawa lamang ang nasa loob ng parokya. “Nanawagan po kami sa lahat

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

 45,341 total views

 45,341 total views Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan. Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Walk for Life 2024: “May we become active proclaimers of the Gospel of Life together-Cardinal Advincula

 56,409 total views

 56,409 total views Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya. Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

 53,770 total views

 53,770 total views Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon. Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Sa kaniyang homiliya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

 56,805 total views

 56,805 total views Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati. ‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

 56,180 total views

 56,180 total views Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Nazareno 2024: ‘Makita si Hesus, makita ni Hesus at maipakita si Hesus’-Cardinal Advincula

 66,412 total views

 66,412 total views Ipinagpapasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang biyaya ng muling pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesu Nazareno makaraan ang ilang taong pagpapaliban dulot ng pandemya. Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang misa sa Mayor para sa kapistahan ng traslacion kasama ang may 300 mga pari na ginanap sa Quirino Grandstand alas

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Patuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino, ipinagpasalamat ng Papal Nuncio

 66,089 total views

 66,089 total views Ipinagpapasalamat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco ang pagtuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng mga tradisyunal na debosyon lalo na ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na ipagdiriwang ang pista bukas, January 9. Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang mga deboto

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Mananampalataya sa mga lugar na sede vacante, hinimok na magdasal at mag-ayuno

 67,627 total views

 67,627 total views Hinikayat ni Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe ang mga mananampalataya na manalangin at mag-ayuno para sa biyaya ng pagkakaroon ng obispong mangangasiwa sa mga diyosesis. Ito ang paanyaya ng obispo, lalo na sa mga lugar na walang obispo o sede vacante. “More Bishops will be retiring in a few years. Those in the Dioceses

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sede vacante sa Pilipinas, patuloy na nadadagdagan

 50,386 total views

 50,386 total views Umaabot na sa siyam na diyosesis sa Pilipinas ang sede vacante kasunod ng biglaang pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Lunas noong January 2. Bukod sa Pagadian, kabilang sa mga diyosesis na walang nangangasiwang obispo ang mga diyosesis ng Alaminos, Baguio, San Pablo, Balanga, Gumaca, Ipil, Tarlac, at Catarman. Ayon naman sa tala ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

TV news personality Jiggy Manicad, tagapagpahayag na ng mabuting balita ng Panginoon

 59,937 total views

 59,937 total views Mula sa pagiging tagapagbalita ay naging tagapagpahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon ang ngayo’y kilalang deboto ng Poong Hesus Nazareno-ang TV News personality na si Jiggy Manicad. Ayon kay Manicad sa panayam ng programang Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas, nagsimula ang kaniyang debosyon taong 2006 matapos ang hindi makakalimutang news coverage na bagama’t

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Bishop Lunas ng Pagadian, pumanaw na

 56,883 total views

 56,883 total views Nagluluksa ang simbahang Katolika sa pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Ignacio Lunas. Sa ulat, pumanaw ang obispo Martes ng umaga (January 2) sa isang pagamutan sa Davao City kung saan naka-confine matapos sumailalim sa by-pass operation. Ang namayapang obispo ay ang kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Commission on Basic Ecclesial

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top