Obispo, nanawagan sa mga guro at estudyante na supilin ang fake news

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 492 total reads

Pormal na binuksan ng University of Santo Tomas ang academic year 2019 – 2020 sa pagdiriwang ng taunang Misa de Apertura.

Pinangunahan ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang Banal na Misa kung saan hinamon ang mga estudyante at guro na ipagpatuloy ang paghahanap ng katotohanan at ipalaganap sa lipunan.

“Ang hamon sa atin is to continue to seek the truth and upon the discovery of truth adhere to it,” pahayag ni Bishop Alarcon sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na malaking hamon sa bawat mamamayan ang paghahanap ng katotohanan sa gitna ng paglaganap ng fake news partikular sa social media.

Umaapela si Bishop Alarcon sa mga estudyante na maging kabahagi sa misyon ng Panginoon sa pagpapalaganap ng mga natutuhan sa loob ng mga silid-aralan partikular na ang katotohanang nararapat maiparating sa publiko.

“As students this is our tasks, our mission, and the works of the Lord not only in the classrooms but we are invited to bring it to the community, to the society so that we may bring light to all,” ani ni Bishop Alarcon.

Sa homiliya ng Obispo pinaalalahanan nito ang mananampalataya na huwag kalimutan ang pagninilay sa mga Salita ng Diyos upang maging gabay sa paghahanap ng katotohanan.

Sinabi ni Bishop Alarcon na ang pagsasagawa ng Misa de Apertura ay bahagi ng tradisyon sa bawat pagbubukas ng klase bilang paanyaya sa Panginoon na maging gabay sa paglalakbay sa buong taon.

“It is our tradition, our practice, that before we embark of a particular thing we invoke the name of the Lord, the mass of the Holy Spirit we ask for the assistance, the guidance of the triune God so that our endeavors will be blessed,” ani ng Obispo.

Matapos ang Banal na Misa, isinagawa naman ang Discurso de Apertura sa pangunguna ni Dr. Maria Minerv Calimag M.D., Ph.D., ng UST Faculty of Medicine and Surgery, isang academic lecture na taunang ginagawa para sa mga estudyante at guro ng institusyon.

Ngayong taon halos 14, 000 mga bagong estudyante ang kikilalanin sa tradisyonal na ‘Thomasian Welcome Walk’ sa Arch of the Centuries sa ika – 6 ng Agosto bilang tanda ng pagsisimula ng panibagong yugto ng buhay ng mga bagong estudyante na pangungunahan ni Rev. Fr. Jesus Miranda Jr., O.P ang Secretary General ng University of Santo Tomas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 2,514 total reads

 2,514 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 42,104 total reads

 42,104 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 77,668 total reads

 77,668 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 303,938 total reads

 303,938 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 197,250 total reads

 197,250 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top