Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dumagat tribes ng Rizal at Quezon, nanawagan ng tulong dahil sa ‘diarrhea outbreak’

SHARE THE TRUTH

 666 total views

Nananawagan ng tulong ang mga Katutubong Dumagat na naninirahan sa Tanay Rizal at General Nakar Quezon na kabilang sa lubhang nasalanta ng Bagyong Karding.

Ayon kay Mhemar Silongan, higit na kinakailangan ang gamot laban sa Diarrhea dahil sa Diarrhea Outbreak sa Sitio Nayon Baranggay Santa Elena Tanay, Rizal makaraan ang malakas na bagyo.

Ayon Silongan, umaabot na sa limang Dumagat ang nasawi kabilang na ang sanggol sa Rizal, habang dalawa naman ang nailulat na nasawi sa Quezon dahil sa komplikasyon sa diarrhea.

“Sa ngayon po matindi po yung naging takot namin sa nangyari ngayon, gawa ng kakaiba po itong nangyari ngayon hindi po katulad dati na parang kayang solusyunan ng mga gamot namin sa bundok na mga herbal, ngayon po ang ikinatakot po namin parang oras yung hinahabol ng buhay ng bawat tao,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Silongan.

Ayon pa kay Silongan, bagamat maraming residente ang nakakaranas ng pananakit ng tiyan, mayorya ng mga biktima ng sakit ay mga Katutubong Dumagat.

Higit ring pinahirap ng sitwasyon ang pinsalang idinulot ng Bagyong Karding kung kaya’t apektado na ang kabuhayan ng pagtatanim ng mga katutubo.

Una ng tiniyak ng Department of Health ang patatalaga ng mga manggagamot at nurse upang tingnan ang kalagayan ng pamayanan gayundin ang pagsusuri sa pinagmulan ng sakit.

“Pinapanawagan po namin ay yung gamot gawa ng doon po sa amin, malayo po sa amin, katulad ng halimbawa ospital ay malayo po kaya kailangan po namin doon yung mga pang-agarang lunas, mga gamot,” ayon pa sa panawagan ni Silongan.

Sa tala, 33% ng 14-17-milyong mga katutubo sa Pilipinas ang naninirahan sa kabundukan ng Sierra Madre kung saan nananahan ang mga Katutubong Dumagat.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 10,682 total views

 10,682 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 44,133 total views

 44,133 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 64,750 total views

 64,750 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 76,173 total views

 76,173 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 97,006 total views

 97,006 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Jerry Maya Figarola

Naranasang harassment, kinundena ng EILER

 324 total views

 324 total views Kinundena ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research ang “red tagging” sa kanilang grupo. Ikinatwiran ng EILER na ang kanilang organisasyon ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top