Seasons of Creation: Ipagmalaki ang lahing Katutubo!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,167 total views

Hinimok ng dating obispo ng Diocese of Novaliches ang mamamayan na lingapin at pahalagahan ang mga katutubo sa bansa.

Ayon kay Bishop Antonio Tobias malaki ang tungkuling ginagampanan ng mga katutubo lalo na sa pangangalaga ng kalikasan.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples’ Sunday nitong October 9, ang huling araw ng pagdiriwang ng Season of Creation sa Pilipinas.

“Pahalagahan natin ang mga katutubo, huwag natin sila balewalain at pabayaan sapagkat kapwa natin sila. Kasama dapat ang mga katutubo sa pagsulong at pag-unlad ng ating komunidad,” pahayag ni Bishop Tobias sa Radio Veritas.

Sinabi ng opisyal na katuwang ng pamayanan ang mga katutubo sa pagpapanatili ng magandang kapaligiran na kapaki-pakinabang sa mamamayan.

Umaasa rin si Bishop Tobias na patuloy na isabuhay ng mga katutubo ang kanilang pagkakakilanlan kahit sa mga mauunlad na lugar na mapupuntahan upang mapanatili ang kultura.

“Huwag sana nilang ikahiya at itatatwa ang pagiging katutubo bagkus dapat ipagmalaki,” giit ni Bishop Tobias.

Matatandaang July 1978 sa pagtitipon ng mga obispo sa bansa nang mapagkasunduan na italaga ang Indigenous Peoples’ Sunday tuwing ikalawang Linggo ng Oktubre.

Batay sa tala ng United Nations Development Program tinatayang nasa 14 hanggang 17 milyon ang bilang ng mga katutubo sa Pilipinas na kasapi sa 110 ethno-linguistic groups.

Sa bilang 33-porsyento ay mula sa Northern Luzon kabilang na sa Cordillera Administrative Region; 61 porsyento sa Mindanao habang ilang porsyento naman sa Visayas.

Kasabay ng pagdiriwang sa Linggo ng mga Katutubo ay ang pagtatapos ng pagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas ng Season of Creation bilang pagpaparangal sa gawain ng mga katutubo bilang ‘frontliners’ ng kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 32,033 total views

 32,033 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 27,902 total views

 27,902 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 64,104 total views

 64,104 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 73,424 total views

 73,424 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 99,833 total views

 99,833 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top