Kilalanin ang karapatan, kahalagahan ng mga Katutubo

SHARE THE TRUTH

 1,363 total views

Hinimok ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mamamayan na kilalanin at pasalamatan ang mga katutubo hindi lamang sa Pilipinas, kun’di maging sa buong mundo.

Ito ang paanyaya ng Obispo mula sa kanyang pagninilay sa paggunita sa Indigenous Peoples’ Sunday at pagtatapos ng Season of Creation sa bansa.

Ayon kay Bishop Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Office on Stewardship na ang mga katutubo ang mga unang tagapagbantay at tagapangalaga ng kalikasan kaya’t marapat lamang na sila ay bigyang-halaga dahil sa kanilang mahalagang tungkulin.

“Marami tayong matututunan sa kanila kung paano makipag-ugnay sa ating kapaligiran. Kilalanin natin ang kanilang karapatan sa kanilang ninunong lupain,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Ibinahagi ng Obispo na marami ring mga katutubo ang naninirahan sa Palawan kaya’t makikita sa lalawigan ang kanilang malaking ambag sa pagpapanatiling maayos ng mga likas na yaman.

Batid ni Bishop Pabillo na kasabay ng tungkuling pangalagaan ang kalikasan, kinakaharap ng mga katutubo ang pagsubok tulad ng pagbabanta at pananakot na paalisin sa kanilang mga lupaing ninuno upang maging minahan at iba pang mapaminsalang proyekto.

“Huwag natin silang isantabi. Pahalagahan at ipagtanggol natin sila at ang kanilang kultura,” dagdag ng Obispo.

Ipinagdiriwang tuwing ikalawang Linggo ng Oktubre, ang Indigenous Peoples’ Sunday ay paggunita sa mahalagang tungkulin ng mga katutubo sa pangangalaga ng ating nag-iisang tahanan, at hudyat na rin ng pagtatapos ng pagdiriwang ng simbahan sa bansa sa Season of Creation.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 82,235 total views

 82,235 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 93,239 total views

 93,239 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 101,044 total views

 101,044 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 114,219 total views

 114,219 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 125,573 total views

 125,573 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top