355 total views
Palalawigin pa ng isang linggo ang ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa tinaguriang NCR Plus Bubble. Ito ang rekomendasyon ng IATF kasunod ng patuloy pa ring pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Unang idineklara ang isang linggong ECQ sa mga lungsod sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal noong ika-29 ng Marso na dapat sana’y magtatagal lamang hanggang sa ika-4 ng Abril.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng IATF kung saan magsisimula ang isang linggong pagpapalawig ng ECQ sa tinaguriang NCR Plus Bubble sa ika-5 ng Aril, na naglalayong mapigilan ang higit pang pagkalat ng COVID-19 virus sa bansa.
Batay sa tala ngMetro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal umaabot na sa 784,043 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa kung sa nakapagtala ng mahigit na 12,000 kaso sa ikalawang sunod na araw.