393 total views
Ibinahagi ng Kanyang Kabanalan Francisco na nakaugat sa tatlong katangian ang pagiging kristiyano ng mga Pilipino.
Sa mensahe ng Santo Papa sa mga Pilipino binati nito at kinilala ang mayamang pananampalataya sa Panginoon na personal niyang nasaksihan nang dumalaw ito sa bansa.
“I would like to share with you three mysteries of our faith which characterize the most profound Christian roots of your [Filipino] people:Nazareth, the Cross, and the Pentecost,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Ipinaliwanag ng Santo Papa na sa pagtanggap sa imahe ng Santo Niño bilang isa sa mga simbolo ng kristiyanismo sa bansa ay nagpapatunay na pagkilala ng mga Pilipino sa Banal na Mag-anak nina Hesus, Maria at Jose sa Nazareth.
Ito rin ay naging daan upang maipasa sa mga kabataan ang kaloob ng pananampalataya na tinanggap ng mga magulang.
“Thank you for the profound sense of family, of community and of fraternity which keeps you united, which keeps you firm in faith, joyful in hope, prompt in charity,” dagdag pa ng Santo Papa.
Kinilala rin ng pinunong pastol ng simbahang katolika ang katatagan ng mananampalataya na nagpapatuloy sa paghahanda sa pagdiriwang ng ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa kabila ng mga hamon tulad ng pagputok ng bulkan, bagyo, lindol at ang kasalukuyang pandemya.
Hinimok nito ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang pagtutulungan ng bawat isa upang mapagtagumpayan ang mga hamon tulad ng pagtatagumpay ni Hesus sa krus ng kamatayan.
“Thank you also for giving witness to that fortitude and confidence in God who never abandon us; thank you for your patience for always looking forward in the midst of difficulties and for walking continuously,” ani Pope Francis.
Sa pentekostes naman ipinaliwanag ng Santo Papa na tulad ni Maria na gumabay sa batang Hesus sa Nazareth, nanatili rin itong kasama ng bawat isa sa paglalakbay at pananalangin tungo sa landas ng kanyang Anak na si Hesus.
Pinaalalahanan ni Pope Francis ang bawat mananamapalataya na patuloy isabuhay ang misyon sa bansa at sa buong daigdig bilang pagbabahagi ng kaloob na pananampalataya.
“Give thanks for the gift of faith; Do not be afraid! You are not alone in this mission, you are accompanied by two great saints of your land: San Pedro Calunsod and San Lorenzo Ruiz,” ani ng Santo Papa.
Kasabay ng pagdiriwang ng Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ay pormal na ilulunsad sa mga simbahan sa bansa ang 500 Years of Christianity na ipagdiriwang hanggang sa susunod na taon.