VeritasPH

The Word, The Truth

Easter Sunday, tagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan

SHARE THE TRUTH

 304 total views

Naniniwala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity na mahalaga ang mensaheng hatid ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus lalo na ngayong panahon ng pandemya na nagdudulot ng iba’t ibang pagsubok para sa bawat isa.

Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo – chairman ng komisyon, ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ay isang katibayan sa pagtatagumpay ng kabutihan at pagmamahal ng Panginoon para sa sangkatauhan na masasaksihan rin sa pagsasakripisyo ng marami ngayong panahon ng pandemya.

Paliwanag ng Obispo sa kanyang Easter message, tulad ni Hesus marami rin sa kasalukuyang panahon ang buong pusong handang ialay ang kanilang sariling buhay para sa kapwa at sa iba pang mga nangangailan.

Partikular na kinilala ni Bishop Pabillo ang pagsusumikap at pagsasakripisyo ng mga medical frontliners, mga manggagawa at mga miyembro ng pamilya na sa kabila ng banta ng kapahamakan ay hindi nag-aatubili na unahin ang kapakanan ng kanilang kapwa at mga mahal sa buhay.

“Easter is the assurance of victory. Any act of love and sacrifice for others will bring new life. We need this message in our time when so many acts of love, service to others, and prayers are being offered. We witness this among our medical front liners who are tired, in danger and not adequately compensated. We see this among family members who comfort and serve those of their families who are sick. We admire the daily wage earners who continue to work, putting themselves to daily risk, to support their families.” Ang bahagi ng Easter Message ni Bishop Broderick Pabillo.

Pagbabahagi pa ng Obispo, ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus ay isa ding kongkretong mensahe ng pag-asa at pag-ibig ng Panginoon para sa bawat isa sa pamamagitan ng pagsasakatuparan sa kanyang pangakong kaligtasan para sa sangkatauhan.

“Jesus is the guarantee that a new and better day is coming. Let us not lose hope. We continue to strive because we know, with God’s help, that we shall overcome. Praise God who gives us victory over death, over sickness, over evil. This is the real meaning of Easter.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Inaanyayahan naman ng Obispo ang bawat mananampalataya na sa pagsisimula ng pagdiriwang para sa 500 Years of Christianity in the Philippines ay buong pusong tanggapin at ibahagi ng mga Filipino sa kapwa ang biyaya ng pananampalataya na ipinagkaloob sa bansa limang daang taon na ang nakakalipas.

Ito ayon kay Bishop Pabillo ang isang tungkuling dapat gampanan ng bawat binyagan bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon para sa sangkatauhan.

“we open the 500th anniversary of the gift of the Christian faith to our country. We humbly accept this gift and in gratitude we will generously share this faith to others. We are gifted to give. Together with the disciples we enthusiastically share with others: “We have seen the Lord.”” Paliwanag ni Bishop Pabillo.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 5,167 total views

 5,167 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 12,703 total views

 12,703 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 28,689 total views

 28,689 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 36,734 total views

 36,734 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 41,814 total views

 41,814 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, hinimok na makiisa sa rosary fluvial procession para sa kapayapaan

 3,949 total views

 3,949 total views Nagpaabot ng pasasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa lahat ng tumugon at nakikibahagi sa 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Ayon sa dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, mahalaga ang pakikiisa ng bawat mananampalataya sa pananalangin ng kapayapaan at kaligtasan

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Panindigan na pag-aari ng Pilipinas ang WPS, hamon ng Obispo sa pamahalaan

 4,128 total views

 4,128 total views Nanindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi maaring balewalain ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hauge Netherlands na pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea noong June 12, 2016. Ito ang binigyan diin ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Office

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Divorce forum, itinakda ng Diocese of Novaliches

 4,018 total views

 4,018 total views Aktibong kumikilos ang Family and Life Commission ng Diocese of Novaliches upang mapalawak ang kamalayan ng mga Pilipino sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya. Para lalong maunawaan ang negatibong epekto sa pagsasabatas ng divorce ay magsasagawa ng Forum on Absolute Divorce Bill na may titulong “Understanding God’s Plan on Marriage and Family” ang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

MAPODE, umanib sa SCAD

 8,176 total views

 8,176 total views Lumahok sa Super Coalition Against Divorce (SCAD) ang prayer group ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance and Exorcism (MOPODE) bilang pakikiisa sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Opisyal na inanunsyo ang pakikilahok at pagsali sa kowalisyon ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Matagumpay na pagpupulong ng CBCP, panalangin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

 9,026 total views

 9,026 total views Nagpaabot ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao. Ayon kay LAIKO Vice-President for Mindanao Atty. Proculo Sarmen, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Banal na Espiritu para sa mga Obispo na nagsisilbing pastol

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lagman, binatikos ng SCAD

 9,380 total views

 9,380 total views Binigyang diin ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) na ang paninindigan ng iba’t ibang mga faith-based groups laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas ay nakabatay sa katotohanan at hindi sa pagkukunwari o “religious hypocrisy”. Ito ang tugon ng grupo sa patutsada ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa paninindigan ng Couples

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

De Lima, kakasuhan ang mga nagpakulong sa kanya

 23,601 total views

 23,601 total views Inihayag ni dating Senador Leila De Lima ang planong pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng kanyang pagkakakulong sa loob ng nakalipas na pitong taon. Ito ang ibinahagi ni De Lima sa programang ‘Oras ng Bayan’ sa himpilan ng Radyo Veritas. Inihayag ng dating Senador ang paninirang puri, pagkasira ng reputasyon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Harrassment sa mga residente ng Mariahangin island, ikinabahala ng Obispo

 10,047 total views

 10,047 total views Nagpahayag ng pagkabahala ang Apostoliko Bikaryato ng Puerto Princesa sa Palawan para sa kapakanan ng mga residenteng naninirahan sa isla ng Mariahangin sa Bayan ng Balabac, Palawan. Ibinahagi ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang pagkabahala sa mga ulat ng pang-ha-harass ng ilang armadong grupo sa mga residente ng isla upang lisanin ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong arsobispo ng Archdiocese of Caceres, ginawaran ng pallium ng Santo Papa

 9,861 total views

 9,861 total views Personal na ginawaran ni Pope Francis ng Pallium ang 42 mga bagong arsobispo mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nag-iisang Pilipino na bagong arsobispo ng Arkidiyosesis ng Caceres na si Archbishop Rex Andrew Alarcon. Naganap ang paggagawad ng Pallium sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

St. John the Baptist church sa Camalig Albay, idineklarang importany cultural property

 16,727 total views

 16,727 total views Opisyal na idineklara ng National Museum of the Philippines bilang isang Important Cultural Property ang St. John the Baptist Church sa Camalig, Albay na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Diyosesis ng Legazpi. Naganap ang paghahawi ng tabing sa panandang pangkasaysayan noong ika-24 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Suporta sa naiwang pamilya ng EJK victims, paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation

 15,843 total views

 15,843 total views Paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang suporta sa pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings sa marahas na implementasyon ng war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte. Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang tulong at suporta ang organisasyon para sa naiwang asawa, magulang at anak ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas, panawagan ng mga Obispo

 10,992 total views

 10,992 total views Nanawagan ng sama-samang pananalangin ng Santo Rosaryo ang mga obispo ng Simbahang Katolika upang ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas kaugnay sa pilit na inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Bilang tugon sa patuloy na pag-igting ng tensyon na kinahaharap ng bansa partikular ng mga Pilipinong mangingisda at hukbong dagat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Partisipasyon at paninindigan ng mga layko sa usaping panlipunan, paiigtingin

 20,317 total views

 20,317 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang lalong pagpapaigting sa kamalayan at aktibong partisipasyon ng layko sa mga usaping panlipunan sa bansa. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla sa mga nakahanay na gawain ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, nagpapasalamat sa pagkilala ng NHCP sa Cabanatuan cathedral

 8,455 total views

 8,455 total views Nagpapasalamat ang Diyosesis ng Cabanatuan sa pagkilalang iginawad ng National Historical Commission of the Philippines sa St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral o kilala bilang Cabanatuan Cathedral para sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Sa naganap na unveiling ng national historical marker sa katedral noong ika-14 ng Hunyo, 2024 ay ibinahagi

Read More »
Environment
Reyn Letran - Ibañez

Inisyatibo ng mga layko laban sa divorce, pinuri ng opisyal ng CBCP

 21,382 total views

 21,382 total views Kinilala ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagsusumikap at inisyatibo ng may layko na pangunahan ang pagsusulong sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Inihayag ito ni Novaliches Bishop Roberto Gaa, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Vocations sa paglulunsad ng Super Coalition Against

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top