Obispo ng Bayombong, nanalangin ng kaligtasan ng lahat laban sa COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 603 total reads

Nagpaabot ng panalangin si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao hinggil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus disease sa bansa.

Ayon kay Bishop Mangalinao na nawa’y patuloy na ipagkaloob ng Panginoon ang pagkakaroon ng malawak na pang-unawa upang malagpasan ang lahat ng mga pagsubok na hinaharap dulot ng pandemya.

Ipinagdarasal din ng Obispo ang pagtulong sa mga lubos na nangangailangan ng suporta lalo’t higit ang mga apektado ng sakit at mga mahihirap na walang makain dahil sa kawalan ng hanapbuhay.

“Habang kami po ay nag-iingat na [hindi] mahawa at makahawa, tulungan mo po kami na higit na maging malawak ang isipan, masigla ang kalooban na maisagawa namin ang aming tulong kahit sa maliit na paraan upang maabot namin ang lubhang nangangailangan,” panalangin ni Bishop Mangalinao para sa kaligtasan laban sa COVID-19.

Hinihiling din ng Obispo na nawa’y magtulung-tulong ang lahat ng mga pinuno ng bansa at simbahan upang makapagbuo ng mga desisyong makatutulong upang malunasan na ang sakit at tuluyan nang makamtan ang matiwasay at payapang pamumuhay.

“Gayundin po’y itinataas namin muli ang mga nasa pamahalaan, ang mga lider-lingkod simbahan upang sama-sama kaming mag-isip, magdesisyon at gumawa ng nararapat para sa sambayanan,” panalangin ng Obispo.

Suliranin ngayon sa bansa ang hindi maayos na sistemang pangkalusugan kung saan hindi na kayang tanggapin pa ng mga ospital na sakop ng NCR plus bubble (Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal) ang mga pasyenteng mayroong COVID-19.

Naitala sa bansa noong Abril 2 ang 15,310 panibagong kaso ng COVID-19, ang pinakamataas batay sa mga datos ng Department of Health dahil sa COVIDKaya System Issue kung saan idinagdag ang 3,709 na panibagong kaso na dapat sana’y kabilang sa ulat na inilabas ng ahensya noong Marso 31.

Batay naman sa huling ulat ng DOH, naitala ang 12,576 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 599 ang naitalang gumaling at 103 naman ang mga nasawi.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 16,017 total reads

 16,017 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 16,912 total reads

 16,912 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 33,455 total reads

 33,455 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 70,832 total reads

 70,832 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 102,102 total reads

 102,101 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 177,212 total reads

 177,212 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 269,805 total reads

 269,805 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,383 total reads

 74,382 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top