261 total views
Ipinaalala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang paggunita sa ika-31 taong anibersaryo ng EDSA People Power 1 ay patunay ng matatag na pananampalataya at power of prayer ng mga Filipino para makamit ang ‘social transformation” sa Pilipinas.
Iginiit ni Cardinal Tagle na ipinakita ng sambayanang Filipino sa “bloodless revolution” ang kapangyarihan ng pananalangin na nagbunga ng tapang,pakikisangkot at pagkakaisa para sa tunay na pagbabago sa lipunan.
Sa ipinalabas na circular letter, hinimok ng Kardinal ang lahat na pasalamatan ang Panginoon sa “gift of faith” gayundin ang paghingi ng kapatawaran sa kabiguan na isabuhay ang ating pananampalataya para sa katarungan.
“Once more we commemorate EDSA People Power on February 25, 2017. Just like any great events, it has many aspects with various levels of meaning. For us in the Church, it was an event of people relying on their faith for social transformation. In full view of the world the Filipino people showed the power of prayer that begets courage that begets solidarity that begets change. Thirty-one years later we thank God for the gift of faith, as we also ask pardon for our personal and communal failure in consistently living that faith in justice, love and peace,” bahagi ng circular letter ni Cardinal Tagle.
Sa paggunita ng ika-31 ng anibersaryo ng EDSA 1 sa ika-25 ng Pebrero, hinihikayat ng Kardinal ang lahat ng mga parokya sa arkidiyosesis ng Maynila na magsagawa ng simpleng public prayer event tulad rosary rallies, processions kasama ng examination of conscience, formation of conscience,repentance,confessions at penitentiary services.
“We give every parish the freedom to plan and organize its commemoration with simplicity but depth. What is important is the space offered for a religious experience that could transform our parishioners on the ground. As we join the whole Church in the Philippines in celebrating the Year of the Parish, I invite all parishes to a simple commemoration of EDSA People Power. In the parish and BEC’s please organize a public prayer events (processions, rosary rallies, prayer worship etc.) that you find appropriate. You may choose the time of day or evening to do so, please incorporate the examination of personal and communal consciences, formation of conscience and repentance. Confessions and penitentiary services are also appropriate.”bahagi ng circular ni Cardinal Tagle.
Magugunitang ang Radio Veritas ang nagsilbing boses ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa pagkakaisa ng sambayanang Filipino.