EDSA@35, mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 665 total views

Itinuturing ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) na mahalagang bahagi ng kasaysayan ang EDSA People Power Revolution 35-taon na ang nakakalipas.

Ayon kay AMRSP co-Executive secretary Fr. Angelito Cortez, OFM mahalagang patuloy ang paggunita sa diwa ng EDSA People Power Revolution na siyang nagpalaya sa bansa mula sa diktadurya.

Paliwanag ng Pari, naipamalas ng mga Filipino sa pamamagitan ng ‘bloodless revolution’ ang mapayapang rebolusyon ng walang dumanak na dugo.



“Ang araw na ito ay paggunita ng tagumpay ng diwa EDSA, tagumpay ng paglaya sa diktadurya. Ipinakita natin sa buong mundo na posible ang isang mapayapang rebolusyon na di kailangan magdanak ang dugo. Ang kailangan ay isang mulat na pag-iisip at pananampalataya na nagbigkis ng ating adhikain na alisin ang isang madilim at maruming gobyerno, kung kaya natin noon kaya pa rin natin ngayon. Pinahihinog lamang tayo ng panahon at sa tamang panahon muli tayong babangon, huwag tayo mawalan ng pag-asa manalig tayo hindi tayo pababayaan ng Diyos.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Cortez sa panayam sa Radio Veritas.

Makalipas ang 14-na-taon mula ng magdeklara ng Martial Law si dating Pangulong Ferdinand Marcos naging mitsa ng makasaysayang EDSA People Power Revolution ang pagtiwalag sa administrasyong Marcos ng ilang mga opisyal ng pamahalaan noong Pebrero taong 1986.

Sinundan pa ito ng panawagan ng noo’y Arsobispo ng Maynila ang Kaniyang Kabunyian Jaime Cardinal Sin sa pamamagitan ng Radyo Veritas kung saan sa harap ng mga tangke at ng militar, dumagsa sa EDSA ang mamamayan mula sa iba’t-ibang antas ng lipunan kasama ang mga lingkod ng Simbahan.

Sa panawagan ni Cardinal Sin ang pagtitipon sa pamamagitan ng pagdarasal para sa payapang pagkamit ng demokrasya mula sa diktadurya ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 126,403 total views

 126,403 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 148,513 total views

 148,513 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 222,175 total views

 222,175 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 216,196 total views

 216,196 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top