Social Protection sa Panahon ng Pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 468 total reads

Isa sa mga isyung panlipunan na naging matingkad sa ating bayan ngayon dahil sa pandemya ay ang kawalan ng access ng maraming mga Filipino sa social security.

Kapanalig, ang social protection ay kalipunan ng mga serbisyong pampubliko, programa, at polisiya ng isang bayan na nagbabawas at nagpapagaan ng panghabam-buhay na consequence o kinahihinatnan ng kahirapan. Kasama nito ang mga programang gaya ng 4Ps, pati na rin ang mga social security system ng bansa gaya ng SSS at GSIS, pati na rin ang PhilHealth. Ang social proteksyon ay panangga ng karaniwang Filipino laban sa lubusang kahirapan.

Napakahalaga ng social protection, kapanalig. Ang malaya at masaganang pag-access dito ay sumasalamin sa pag-iral ng katarungan sa lipunan. Pinapakita rin nito kung ang nasa poder ay tunay ngang matuwid at makatarungan. Sabi nga ni Pope Leo XIII sa Centissimus Annus, ang pampublikong otoridad ang siyang may katungkulan sa pagbibigay ng nararapat na proteksyon sa kapakanan ng mamamayan. Ang kapalpakan sa aspetong ito ay paglabag sa panlipunang katarungan.

Kapanalig, nitong pandemya, ating naranasan ang kawalan ng proteksyon ng maraming mga migranteng manggagawa at ating mga local labourers. Isang halimbawa ay ang mga construction workers sa bayan na naiwan sa mga construction sites nuong panahon ng lockdown. Kinailangan nilang umasa sa kabutihan ng boss at kapwa upang mabuhay at magkaroon ng kaunting pera. Nakita rin natin ang naranasan ng mga ambulant vendors nuong panahon ng matinding lockdown- gutom ang inabot ng marami sa kanila.



Karamihan sa  mga manggagawang walang proteksyon ay kasapi sa informal sector. Sa ating bansa, tinatayang umaabot na sa 10.5 million ang informal sector operators sa bansa, base sa 2008 informal sector survey. Hindi na naulit ang survey na ganito, kaya wala tayong tiyak na bilang nila ngayon. Pihadong mas marami na sila.

Ang kawalan ng maayos na pagsukat ng volume ng informal sector workers ay isa sa mga sintomas ng ating kapabayaan sa sektor impormal, pati na sa pangangailangan nila sa social proteksyon. Malabong maging angkop ang mga programa at budget para sa kanila, kung maski bilang man lamang nila ay hindi natin alam. Ito ay dapat ng mabago. Ang panahon ng pandemya ay angkop na panahon para sa isang reset – mga transpormasyon na magbibigay proteksyon sa maralita.

Ang laki at lawig ng kahirapan sa bansa ngayon ay isang malaking hamon sa pamahalaan- kailangan nito maglatag ng programa at budget na tunay na angkop sa pangangailangan ng bayan. Hanggat hindi maayos ang social protection para sa maralita, lagi na lamang dadami ang bilang ng naghihirap. Kung hindi ito mababago, magiging mas mailap pa ang kaunlaran para sa buong bansa.

Sumainyo ang Katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,027 total reads

 22,027 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,154 total reads

 22,154 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,351 total reads

 39,351 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,757 total reads

 95,757 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,258 total reads

 219,258 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,682 total reads

 302,682 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,352 total reads

 39,352 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,758 total reads

 95,758 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,259 total reads

 219,259 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top