Isakatuparan ang diwa ng pagkakaisa ng EDSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 855 total reads

Naniniwala ang opisyal ng Radio Veritas na muling mapagtagumpayan ng mga Filipino ang hamon ng kasalukuyang panahon kung may pagkakaisa ang bawat mamamayan.

Ayon kay Fr. Roy Bellen, vice President for Operations ng himpilan, nawa’y isantabi ang pagkakaiba ng pananaw lalo na sa usaping pampulitika kundi mangibabaw ang pagbubuklod buklod tulad noong EDSA People Power Revolution.



“Sa paggunita natin sa EDSA People Power, nawa’y ating muling maramdaman ang pagsasama ng mga Pilipino at mga taong may pananalig sa Diyos na sa kabila ng mga tila hindi malalampasang pagsubok, tayo ay magtatagumpay dahil sa ating pagsasamasama, pagtutulungan at pagtitiwala sa Diyos,” pahayag ni Fr. Bellen sa Radio Veritas.

Binigyang diin naman ni Sr. Clemencia Mallete ng Daugters of St. Paul na mahalaga ang panalangin upang makamtan ang kapayapaan ng lipunan.

Umaasa ang madre na patuloy maisabuhay ang diwa ng mapayapang rebolusyon at higit mapalalim ang pananampalataya sa Panginoon.

“Sana magkaroon ng katuparan ang ipinaglalaban ng EDSA 35 years ago at hindi masayang ang effort ng mga tao; patuloy tayong magdasal sa Panginoon na magkaroon pa ng mas lalong pananampalataya ang mga tao,” ani Sr. Mallete.

Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang wreath laying at flag ceremony sa EDSA People Power Monument kasama ang mga opisyal ng EDSA People Power Commission.

Pinangunahan ni Fr. Bellen ang pambungad na panalangin sa pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng tinaguriang ‘bloodless revolution’.

Binigyang diin ni Fr. Bellen na nawa’y ang karanasan ng rebolusyon sa EDSA ay magpapaalala sa bawat isa na iisa lamang ang hangarin para sa bansa.

“Sana ang diwa ng EDSA ang magpaalala sa atin na nasa iisang bangka tayo, nasa iisang bayan, at lahat naghahangad na marating ang matiwasay at maayos na buhay na hangad din para sa atin ng Diyos,” giit ni Fr. Bellen.

Sa kasaysayan, malaki ang ambag ng Radio Veritas sa matagumpay na EDSA People Power Revolution makaraang manawagan sa publiko si dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na magtungo sa EDSA upang wakasan ang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,039 total reads

 22,039 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,166 total reads

 22,166 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,381 total reads

 39,381 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,787 total reads

 95,787 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,288 total reads

 219,288 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,709 total reads

 302,709 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top