Edukasyon at ang Pamilya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 724 total reads

Isyu na naman, kapanalig, ang kalidad ng edukasyon. Ayon nga sa report ng World Bank, na ikanagagalit ng Department of Education (DepEd) ngayon, isa sa apat na Grade 5 students ay walang reading o mathematical skills para sa Grade 2 or 3, at apat sa limang 15-year-old students ay hindi rin nauunawaan ang mga batayan o basic na konsepto sa math gaya ng fractions at decimals na dapat ay alam ng Grade 5 pa lamang.

Masakit marinig ang ganitong mga assessment, kaya lamang, hindi naman natin maitatatwa na may problema talaga ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Para atin itong maisa-ayos, kailangan nating tingnan ang ating mga pagkukulang. Hindi lamang ang pamahalaan ang nakataya pagdating sa kalidad ng edukasyon sa bansa. Lahat tayo ay kasali dito, mula sa pamilya, hanggang sa mas malakihang lipunan.

Ayon nga sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), maramming mga salik o factors ang nakaka-impluwensya ng performance ng mga estudyante. Gamit ang datos mula sa resulta ng 2018 Program for International Student Assessment (PISA) na siya ring batayan ng World Bank Report, malaki ang papel ng magulang o tahanan sa mga positibong test scores ng mga bata. Ang PISA ay proyekto ng Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD).

Nakita ng pag-aaral ng PIDS na ang trabaho o occupation ng mga magulang ay may impluwensya sa test scores ng mga bata. Ayon naman OECD, ang mga estudyante na may magulang na propesyonal ang occupation o trabaho ay karaniwang mas mataas ang performance kumpara sa mga batang nasa elementary occupations ang mga magulang. Nakita rin ng pag-aaral ng PIDS na malaki rin ang ugnayan ng parental emotional support sa magandang performance ng mga bata sa PISA. Kapag mas mataas ang emotional support ng magulang, mas mataas ang performance ng mga bata. Ayon naman sa OECD, mas academically resilient ang mga bata na may magulang na nagbibigay sa kanila ng emotional support.

Ang mga resultang ito ay nagbibigay diin sa papel o bahagi ng magulang sa educational performance ng mga bata na siyang nagpapakita ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Hindi makakabwelo sa pag-aaral ang mga bata kung wala ang kanilang mga magulang sa kanilang likod na na magtutulak sa kanila tungo sa kagalingan.

Ang Mater et Magistra, bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan, ay nagbibigay diin sa mahalang bahagi ng magulang sa kagalingan ng kanilang mga anak. Paalala nito: Parents must educate the younger generation to a deep sense of responsibility in life, especially in such matters as concern the foundation of a family and the procreation and education of children.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 77,974 total reads

 77,974 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 118,533 total reads

 118,533 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 141,702 total reads

 141,702 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 189,970 total reads

 189,970 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 209,015 total reads

 209,015 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 77,975 total reads

 77,975 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 118,534 total reads

 118,534 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 141,703 total reads

 141,703 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top