Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Edukasyon, Matrikula, at Hirap ng mga Magulang

SHARE THE TRUTH

 742 total views

Kapanalig, ang hunyo ay hudyat ng pagbabalik eskwela ng maraming kabataang Pilipino. Kasabay ng kanilang pagbabalik ay ang sakit ng ulo ng maraming mga magulang: mas mataas na gastos.

Nitong nakaraang araw, inaprubahan ng Commission on Higher Education ang aplikasyon para sa pagtaas ng matrikula ng mga 268 na pribadong kolehiyo at unibersidad sa bansa ngayong school year 2017-2018. Mga 6.96% ang kanilang ita-taas o P87.68 kada unit. Sa mga antas naman ng elementary at high school, tumaas ang matrikula ng mahigit pa sa 1,200 na pribadong paaralan noong school year 2016-2017.

Kaya nga’t maraming mga magulang ngayon ang napapakamot na lamang ng ulo. Pagdating kasi sa pag-aaral ng mga anak, hindi lamang tuition o matrikula ang nagmamahal, pati uniforms, gamit, at baon. Ang masaklap, ang sweldo, hindi naman nataas para sa marami.

Ayon sa Family Income and Expenditure Survey noong 2015, ang karaniwang sweldo ng pamlyang Pilipino ay 267,000 kada taon. Halos kalahati nito, o 41.9% ay nagagastos sa pagkain. Para sa mga maralita, o huling 30% ng income group, nasa 59.7% ng kanilang sweldo ang napupunta sa pagkain. Ang natitirang 40% ay para sa edukasyon, kalusugan, pamasahe at iba pang pangangailangan ng mga miyembro ng pamilya.

Ang bawat pagtaas sa presyo ng mga pag-aaral ay kumakaltas, kapanalig,  sa dami o kalidad ng pagkaing nahahain sa hapag ng pamilyang Pilipino. Kaya’t di nakakapagtaka  na maraming mga bata ang nag do-drop out na lamang at nagtatrabaho. Ang gutom kapanalig, ay isang malaking balakid sa edukasyon. At ang pagtaas ng gastos sa edukasyon ay nagdadala rin ng gutom sa maraming mga pamilya. Nasa 21.6% ang poverty incidence ng bayan. 12% naman ang nasa hanay ng extreme poverty.

Kaya’t mahirap para sa maraming mga magulang pa-aralin ang kanilang mga anak. Ang edukasyon, para sa maralita, ay nagiging pribelihiyo na lamang ng mga may-kaya. Kapanalig, ano nga ba ang maaring maging long-term solution dito dahil kada taon naman, tumataas ang matrikula, at kada taon, parami ng parami ang hirap tugunan ito?

Kapanalig, bilang isang pamilyang nagmamahal sa Diyos at kapwa, dapat din nating suriin ang ating lipunan at kung paano ba nito tinatrato ang pinakamaliit niyang kasapi. Ang ating lipunan ba ay “inclusive”? Lahat ba ng miyembro nito ay nabibigyan ng pagkakataon na umangat ang buhay? Lahat ba ng kabataan nito ay natatamasa ang kanilang karapatan sa edukasyon?

Ang Pacem in Terris ay may gabay sa ating lahat, na nawa’y dinggin ng mas marami: The natural law gives man the right to share in the benefits of culture, and therefore the right to a basic education and to technical and professional training in keeping with the stage of educational development in the country to which he belongs (Ang natural na batas ay nagbibigay sa bawat indibdiwal ng karapatan na makabahagi sa ganasya ng kultura, at alinsunod dito, ng karapatan sa batayang edukasyon at teknikal at propesyonal na kasanayan, batay na rin sa antas ng edukasyon ng kanyang bansa).

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 107,390 total views

 107,390 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 115,165 total views

 115,165 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 123,345 total views

 123,345 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 138,332 total views

 138,332 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 142,275 total views

 142,275 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 107,391 total views

 107,391 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 115,166 total views

 115,166 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 123,346 total views

 123,346 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 138,333 total views

 138,333 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 142,276 total views

 142,276 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 62,519 total views

 62,519 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 76,690 total views

 76,690 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 80,479 total views

 80,479 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 87,368 total views

 87,368 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 91,784 total views

 91,784 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 101,783 total views

 101,783 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 108,720 total views

 108,720 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 117,960 total views

 117,960 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 151,408 total views

 151,408 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 102,279 total views

 102,279 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top