Yolanda survivors, sumasalamin sa lakas ng pagtutulungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total reads

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop at Caritas Internationalis President Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang homiliya sa banal na misa sa St.Michael de Archangel parish, Basey, Samar sa Diocese of Calbayog na dinaluhan ng mga Yolanda survivors, mga Obispo, mga Social Action Centers ng Simbahang Katolika at mga representative ng iba’t-ibang Caritas Internationalis organizations.

“Mga minamahal na Kapanalig sa Panginoong Hesu-Kristo, ito po si Cardinal Chito Tagle ng Archdiocese Of Manila at nandito po kami ngayon sa parokya ng St. Michael De Archangel sa Basey, Samar na bahagi Diocese of Calbayog. Kaya po kami nandito dahil ang ibat-ibang local na dioceses na may social action, pati ang mga Caritas na galing sa ibat-ibang bansa na tumulong sa rehabilitation ng mga community na nasira at nasalanta ng bagyong Yolanda. Ngayon po ay sinasara, tinatapos ang tatlong taon ng rehabilitation.”mensahe ni Cardinal Tagle

Ang pagpunta ni Cardinal Tagle sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda ay selebrasyon ng pasasalamat para sa mga survivors na nagpakita ng lakas ng loob gayundin sa ibat-ibang organisasyon ng Simbahan na tumulong para makatayong muli ang mga biktima ng kalamidad.

Inihayag ni Cardinal Tagle na ang pagbangon ng Yolanda survivors ay pagpapakita sa lakas ng pagtutulungan.

“Ito po ay isang pagpapakita ng lakas ng pagtutulungan, kung papaano ang pagtutulungan ay nagbibigay ng hindi lamang materyal na tulong kundi ng kinakailangang lakas ng loob, pag-asa sa mga taong dumaraan sa mga pagsubok. Kitang kita ko yan sa mga survivors, hindi lang sila talaga survivors, sila po ay nakatayo at sila naman ngayon ay nagsisikap na ang kanilang buhay ay buuin”.bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle.

Binigyan diin ni Cardinal Tagle na ang pagbangon muli ng Yolanda survivors ay pagdiriwang ng pasasalamat
at affirmation na tunay ang pag-ibig ay magbabago sa mundo.

“Ito ay pagdiriwang ng pasasalamat at affirmation na tunay ang pag-ibig magbabago ang mundo. Kapag may tunay na pag-ibig may pag-asa. Sana po itong araw ay maging mensahe at umalingawngaw sa buong Pilipinas at buong daigdig.”pahayag ni Cardinal Tagle

Ipinagdarasal ng kanyang Kabunyian na ang himig ng pag-ibig ay pumalit sa mga sumira ng buhay at ang lakas
ng pagtutulungan ay pumalit sa mga injustice,diskriminasyon at maling paggamit ng poder ng kapangyarihan.

“Sana ang himig ng pag-ibig ang pumalit sa mga sumisira sa buhay. Sana ang pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob ang pumalit sa mga bakbakan, sa mga sisihan at hindi magagandang salita na ibinabato sa kapwa. Sana ang lakas ng pagtutulungan ang siyang pumalit sa lakad ng huwad ng inhustisya, diskriminasyon at maling paggamit ng poder.”mensahe ni Cardinal Tagle

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,480 total reads

 77,480 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,707 total reads

 155,707 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,154 total reads

 189,154 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,451 total reads

 224,451 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,883 total reads

 447,883 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,937 total reads

 111,937 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top