Epekto ng Bullying sa Edukasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,168 total reads

Kapanalig, kailangan nating makita ang epekto ng bullying sa pag-aaral ng mga bata. Mas mahalaga ito ngayon, kahit pa online na ang mga klase, dahil ang bullying sa mundo ng internet ay mas mapanira sa mental health ng mga kabataan. Sa internet, ang pagbu-bully ay maaring 24 hours o walang tigil, dahil ang naikalat sa cyberspace ay maaring magamit o makita ng marami, kahit anong oras at kahit saan mang panig ng mundo.

Ayon nga sa UNICEF, isa sa tatlong bata sa tatlumpung (30) bansa ay naging biktima na ng online bullying. Sa ating bansa, kalahati ng mga batang may edad 13 hanggang 17 ay naapektuhan ng cyberviolence. Wala ring pinipiling kasarian ang cyber bullying, binibiktima nito mapa-babae man o lalake.

Matindi ang dinadanas na cyber bullying ng mga kabataan ngayon. One-third o ikatlo ng cyberviolence na nararanasan ng mga kabataan ay verbal abuse sa internet o cellphone, pati na rin mga sekswal na mensahe. Kadalasan, ang mga babae ang nakakatanggap ng mga sexual messages habang mas mas maraming lalake naman ang nabibiktima ng mga online bullies na nagkakalat ng imahe ng kanilang katawan o sexual activities, tunay man o gawa-gawa lamang.

Kapanalig, dapat mawaksi na sa ang ating lipunan ang ganitong mga nakakasuklam na gawain. Tinatapakan nito ang dignidad at dangal ng bata. Sila ay musmos pa lamang, at kailangan ng ating gabay, ngunit dahil sa pagiging abot kamay ng internet, marami sa kanila ay nahahayaang mag-isa at bulnerable sa mga online attacks.

Kapanalig, dahil sa bullying, marami ng mga kabataan ang pumili na hindi na lamang pumasok sa paaralan at humiwalay o magtago na lamang at mapag-isa. Ayon nga sa UNICEF, isa sa mga limang bata na nakakaranas ng bullying ay hindi na lamang pumapasok sa paaralan. Nakita rin sa survey ng  2018 Program for International Student Assessment (PISA)  na 65% ng mga Filipino high school students ang nakakaranas ng bullying ng “at least a few times a month,” at ang mga biktima, pati na rin ang nambu-bully, ay madalas mag-absent, mas mababa ang performance, at minsan, nagda-drop out na sa paaralan.

Kapanalig, ang bullying, ano man ang itsura nito at saan man gawin, ay balakid sa pagsulong ng mga kabataan.  Sa bullying, ang biktima man o kahit aggressor o nambu-bully ay parehong naapektuhan – bumababa ang kanilang performance sa paaralan. At kapag hindi ito napigilan, parehong kinabukasan nila ang madidiskaril. Ayon nga sa Laborem Exercens, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan- ang edukasyon ay isang napakahalagang salik sa pagpapalago ng ating pagkatao.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 33,475 total reads

 33,475 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 139,690 total reads

 139,690 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 176,477 total reads

 176,477 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 207,053 total reads

 207,053 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 254,108 total reads

 254,108 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO GINASTOS ANG PERA

 33,476 total reads

 33,476 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 139,691 total reads

 139,691 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 176,478 total reads

 176,478 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 207,054 total reads

 207,054 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top