Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 663 total reads

Kapanalig, narinig mo na ba ang mga katagang ethical consumerism? Ito ay ang pagbili ng mga produkto at serbisyo na hind nagdudulot ng pinsala sa ating lipunan at kalikasan. Ito rin ay pag-iwas sa mga produkto at serbisyo na may negatibong epekto sa ating lipunan at kapaligiran.

Dapat na nating ipraktis ito sa ating bansa. Umaabot na sa 2.7 milyong tonelada ang mga plastic wastes na nalilikha natin taon-taon. Tinatayang bente porsyento pa nito ay napupunta sa karagatan. Isipin mo kapanalig, ang basura mo hindi lamang kalupaan ang binabara, pati karagatan, dinudumihan na. Ang bawat plastic na ating kinakalat ay sumisira ng ating kalikasan. Sa pagkasira ng ating kalikasan, tayo din ang maapektuhan.

Ayon nga sa World Bank, 28% lamang ng ating mga key plastic resins ang narecyle sa bansa noong 2019. Nalulugi tayo ng mahigit pa sa US$890 million kada taon kapag hindi natin narerecyle ang mga pwede namang marecycle na plastic products. Sayang ito. Noong 2019, umabot na ng 85% ang recycling gap sa bansa natin. Mas marami ang ating kinokonsumong plastic kaysa sa narerecycle natin. Saan ba sa tingin nyo napupunta ang mga plastic na hindi natin nagagamit muli?

Kapanalig, sa mga bansang gaya natin, ang plastic ay mahalaga. Mura kasi ito, at at dahil mahirap tayo, mas pinipili ng mga tao ang produktong mura. Kaya lamang, mura man ang mga ito ngayon, mahal naman ang kabayaran nito sa kalaunan. Buhay natin ang magiging presyo nito.

Unang-una, banta ito sa ating kaligtasan. Ang plastic na ginamit at tinapon mo ngayon ay babara sa ating katubigan at alkantariya. Ang balik sa atin, malawakan at mataas na pagbaha. Ang plastic na napunta sa karagatan ay lason sa mga isda sa dagat. Kabuhayan at pagkain din ng mamamayan naman ang apektado nito. Ang plastic din kapag nasunog, dadagdag pa sa emisyon na nagpapa-init ng mundo.

Kaya nga’t ang ethical consumerism ay isa mga tawag ng ating panahon ngayon. Mahirap asahan na sa mga manufacturers mismo manggaling ang pagbabago. Ngunit sa ating panig, maaari nating simulan ito. Huwag na bumili ng mga produktong sobra ang plastic packaging, at kung maari, wag na bumili ng may plastic. Sa palengke, mas marami na ngang gumagamit ng papel para sa packaging. Baka maari nating gawin din ito.

Kapanalig, ang Laudato Si, bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan, ay inuudyukan tayong bitiwan na ang “culture of waste.”  Kailangan nating manindigan para sa ating kalikasan—atin itong protektahan. Isang paraan dito ay ang ethical consumerism—ang pagbili lamang ng ating kailangan, at pag-iwas sa mga produktong sisira sa ating kalikasan at kinabukasan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 425 total reads

 425 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 622 total reads

 622 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 11,167 total reads

 11,167 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 134,299 total reads

 134,299 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 184,663 total reads

 184,663 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 311,721 total reads

 311,721 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 396,750 total reads

 396,750 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi krimen ang magprotesta

 11,169 total reads

 11,169 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 134,301 total reads

 134,301 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 184,665 total reads

 184,665 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 311,723 total reads

 311,723 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »
Scroll to Top