Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

EU, tiniyak ang commitment sa kapayapaan at pag-unlad ng Mindanao.

SHARE THE TRUTH

 205 total views

Nanindigan ang European Commission sa kanilang commitment para sa kapayapaan at pag-unlad ng Mindanao sa isinagawang Mindanao Fund Reconstruction and Development Program sa Davao City.

Tiniyak ni European Union Ambassador Franz Jessen na ang E-U ay maaasahan,impartial at committed na partner sa pagsusulong ng kapayapaan at pag-unlad sa rehiyon ng Mindanao.

Ayon kay Jessen, patuloy na pinapalakas ng E-U ang partnership nito sa administrasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte.

“EU is a reliable, impartial and committed partner in the pursuit of peace and development in Mindanao. It remains steadfast in its resolve to continue strengthening this partnership in the future”.pahayag ni Jessen.

Inihayag ni Jessen na inaayos na ng E-U ang isang comprehensive peace and development programme na tututok sa mga confidence building measure at pagkakaroon ng inclusive growth sa Mindanao upang makamit ng Pilipinas ang pangmatagalang kapayapaan.

Sinabi ni Jessen na inaprubahan na ng E-U ang 200-milyong pisong pondo na suporta sa mga hakbang ng gobyerno tungo sa ikakatagumpay ng peace process sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng grupo.

Sa kasalukuyan, ang European Union ang pangunahing contributor sa multi-donor trust fund sa nakalipas na 11-taon kung saan ang programa ay nakagawa ng mahigit sa 500 community sub-projects para sa 650,000-mamamayan sa kabuuang 316-conflict-affected communities sa Mindanao.

Layon ng Mindanao Trust Fund na tumulong sa “socio-economic recovery” ng mga lugar na apektado ng labanan at kaguluhan.(Arnel Pelaco)

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 82,938 total views

 82,938 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 90,713 total views

 90,713 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 98,893 total views

 98,893 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 114,425 total views

 114,425 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 118,368 total views

 118,368 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 89,856 total views

 89,856 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 86,262 total views

 86,262 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

Ipadama ang malasakit sa COVID-19 positive

 10,957 total views

 10,957 total views August 13, 2020 Hinikayat ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na ipadama ang pagmamalakasakit sa kapwa maging sila man ay

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

Maging mahinahon!

 10,974 total views

 10,974 total views March 10, 2020, 1:25PM Hinikayat ng Archdiocese of Manila ang mamamayang Filipino na manatiling mahinahon sa kabila ng banta ng Corona Virus Disease.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top