Experience God’s endless mercy, join AACOM 2024

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,784 total views

Muling inaanyayahan ng opisyal ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) ang mga mananampalataya sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy sa October 14 hanggang 19, 2024 sa Cebu city.

Ayon kay WACOM Asia Director, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalagang magbuklod ang mananampalataya sa diwa ng habag at awa ng Panginoon at maibahagi ito sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan ng pagkalinga at nananamlay ang pananampalataya.

“I invite you all, and we will be honored by your gracious presence and active participation in the forthcoming Asian Apostolic Congress on Mercy. Join us to experience God’s endless mercy and be an instrument of mercy to others,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Santos na mahalagang maunawaan ng bawat isa ang pagkilos ng habag at awa ng Panginoon lalo na sa kasalukuyang panahon na nahaharap ang tao sa iba’t ibang hamon.

Magsisimula ang ikalimang AACOM sa October 14 sa pamamagitan ng Banal na Misa sa alas kuwatro ng hapon sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu na pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown kasama sina Cebu Archbishop Jose Palma, Bishop Santos at iba pang bisitang obispo at pari sa Pilipinas at mga bansa sa Asya.

Humigit kumulang sa 2, 000 delegado na ang nagpatala sa AACOM kabilang na ang mahigit 100 international delegates kung saan nagpapatuloy pa rin ang registration para sa mga nais dumalo sa natatanging pagtitipon.

Tampok sa ikalimang AACOM ang mga panayam nanakatuon sa temang Divine Mercy: Pilgrimage of Hope in Asia’ nina Malolos Bishop Dennis Villarojo, San Jose de Antique Bishop Marvyn Maceda, Fr. Chris Alar, MIC, Fr. Patrice Chocholski, Fr. Kazimierz Chwalek, at maging si dating Supreme Court Justice Hilario Davide.

Magtatapos naman ang AACOM sa October 19 sa isang foot procession sa alas tres ng madaling araw mula sa harapan ng Cebu Provincial capitol na susundan ng closing mass sa alas sais ng umaga sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu.
Sa mga nais dumalo at makiisa sa AACOM na gaganapin sa IEC Convention Center sa Cebu City makipag-ugnayan lamang kay Rev. Fr. Andrei Ventanilla +639438494111, Divine Mercy Archdiocese of Cebu Office – 346-5442, Sis Imma Alfon – (0917) 594-3002, Sis Liza Rago – (0915) 905-0575, Kathrina Buletin +639957662168, at Jinnie Pahuriray +639562718128.

Maari ring mag email sa [email protected] o i-click ang registration link https://bit.ly/5thAACOMRegistrationForms o i-scan ang QR code para sa makapagpapatala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 7,887 total views

 7,887 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 58,571 total views

 58,571 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 64,700 total views

 64,700 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 94,596 total views

 94,596 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 113,324 total views

 113,324 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top