Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya ng Diocese of San Pablo, nagpapasalamat kay Pope Francis

SHARE THE TRUTH

 10,170 total views

Nagpasalamat ang Diyosesis ng San Pablo sa Panginoon sa patuloy na pagpapadama ng pag-ibig sa pagkakaloob ng punong pastol na manguna sa kristiyanong pamayanan sa lugar.

Ito ang panalangin ng diyosesis habang naghahanda sa pagdating ni Bishop designate Marcelino Antonio Maralit Jr. na itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang ikalimang obispo ng diyosesis noong September 21.

“Nagpapasalamat kami sa iyo sa paghirang kay Obispo Marcelino Antonio bilang aming bagong obispo at tagapanguna. Ang pagsusugo mo sa kanya bilang aming pastol ay tanda ng iyong walang sawang pagsubaybay sa amin,” bahagi ng panalangin ng diyosesis.

Dalangin ng mananampalataya ng diyosesis ang puso ng bagong obispo na kahalintulad ng puso ng Mabuting Pastol na handang maglingkod at magmahal sa kawang ipinagkakatiwala sa kanyang pangangalaga.

Gayundin sa mahigit 200 mga pari ng diyosesis na magiging katuwang ni Bishop Maralit sa pagpapastol sa tatlong milyong katoliko ng lalawigan ng Laguna.

“Ipinapanalangin din namin ang aming mga kaparian na katuwang ng aming obispo sa paglilingkod. Pagkalooban mo rin sila ng pusong masunurin at maamo upang sila ay maging mga mabuting katuwang at kamanggagawa ng obispo sa pagtataguyod ng kabutihan ng iyong bayan,” anila.

Hiling din ng diyosesis sa Panginoon ang paggabay sa mananampalataya na maging handa sa pagtanggap kay Bishop Maralit nang may kababaang loob at kapakumbabaang sumunod sa pagpapastol ng bagong obispo gayundin ang suporta at pakikiisa sa mga gawain ng simbahan.

Nauna nang nakipagpulong kay Bishop Maralit ang binuong Ad Hoc Committee ng Diocese of San Pablo para sa nakatakdang installation ng obispo sa November 21 sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Paghahandog kay Maria sa Templo.

Kasalukuyang pinangasiwaan ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara bilang Apostolic Administrator ang diyosesis makaraang maging sede vacante noong September 2023.

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ICC TRIAL

 5,688 total views

 5,688 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 13,924 total views

 13,924 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

20-PESO RICE

 21,906 total views

 21,906 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

Cyber terrorists?

 30,468 total views

 30,468 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 38,460 total views

 38,460 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top